Stella's POV
“Say Ahh!” sabi ni Tob habang hawak ang grapefruit na ipa-pakain kay Kera. Bigla syang hinampas ni Kera sa kamay habang nakakunot ang noo.
“Aww!” daing ni Tob, pero natatawa naman sya. Minsan parang wala lang talaga ang mga pagtataray ni Kera dahil nababaliwala lang ito ni Tob.
“Tigil-tigilan mo ako Tob, hindi ako baldado,” iritang sabi ni Kera habang sya na ang nagsubo ng grape sa bibig nya.
Napatawa kami. Kanina pa silang dalawa ganyan, gusto kasi ni Tob alagaan si Kera pero lahat ng ginagawa ni Tob ay inaagaw nya para sya na mismo ang gumawa.
Nasa infirmary nga pala kami. This time, hindi lang ako ang naka confine dito, kundi kasama ko si Kera, Bela at Mile.
Pano nga ba kami napunta dito? Pagtapos ng laro ay dinala kami agad dito, wala namang masamang nangyare samin. Nahimatay lang kami dahil sa pagod. Bumigay ang katawan namin, grabe kasi ang dami ng magic na nilabas namin sa laro.
“Bakit ba ang daming prutas? hindi naman kami mag tatagal dito,” kunot noong sabi ni Bela.
Si Mile nasa isang tabi lang at nilalantakan ang mga prutas na dala nila. Napailing-iling nalang ako at napangiti. Kumuha naman ako ng slice nang apple at kumain din.
“Nga naman, pwede na din kaming umalis ngayon kaso kayo tong "Oa" at pilit kaming pinipigilan,” sabi ni Kera.
Napaubo naman si Tob nang napatingin sakanya si Kera ng sinabi nya ang salitang Oa.
“Are you sure you guys okay?” tanong ni Ice na nakaupo sa isang side ng kama ko.
Napailing nalang ako. Here we go again. Ilang beses na naming sinabing okay lang kami pero ayaw nila maniwala.
“Gosh enough with this, we're fine boys. Thanks for the concern,” natatawang sabi ni Kera at tumayo na.
Pipigilan sana sya ni Tob kaso sinamaan lang sya ng tingin ni Kera. Tumayo na din kami at wala ng nagawa ang mga boys. Bukod sa gasgas, wala na kaming natamong pinsala sa katawan, sadyang napagod lang talaga kami.
Lumabas na kami sa room namin. Papa-check pa sana muna kami sa healers nila Ice kaso sumabat si Bela na hindi na kailangan. She's a healer herself, kaya napa-tango nalang silang lahat at hindi na nagpumilit.
“You girls did great by the way,” seryosong sabi ni Blaise.
Nakapamulsa lang sya habang naglalakad na hindi tumitingin samin. Kumpara kela Ice sya lang ang hindi masyadong Oa, dalawang beses lang syang nagtanong kung okay lang kami. Hindi katulad nila Tob na hindi ko na mabilang kung ilan beses nilang sinabi yun.
“Thanks,” kibit balikat na sabi ni Bela. Ngumiti lang sila kera.
“Stella is greater tho. Sya ang nakapag panalo samin,” maligalig na namang sabi ni Mile. May hawak syang mansanas sa kanang kamay habang bitbit nya sa kaliwa ang isang basket na naglalaman ng saging, grapes, mango at rambutan.
Naubos ang apple dahil sakin, ang natitirang isa ay hawak ni Mile.
Marami pang prutas na naiwan sa room pero hinayaan na nila. Well I admit, mayayaman ang mga wizards nato. Ang mga misyon na nareresulba nila ay kadalasang binibigyan sila ng pera ng mayor sa kada bayan na natutulungan nila. Kaya dagdag kita nadin.
“I'm determined to let them lose,” naka ngiting sabi ko.
Malaking pagkadismaya sa sarili ko kung sakaling natalo kami. Bukod sa ayaw kong maging slave, gusto ko ibigay ang unang panalo ng S Class sa unang laro nila. Parte ako nila kaya dapat kong galingan.
Ngumisi si Kera sa sinabi ko.
“Pupuntahan nga pala natin sila ngayon,” ngiting sabi ni Kera. Napatigil naman kami at napatingin sakanya.
“Kera bukas na yan dalawang oras palang ang pahinga nyo,” sabat ni Tob.
Dalawang oras lang pala ang nakalipas nang magising kami.
“Why not now diba? okay lang naman sigurong bisitahin sila, saka wala kaming gagawing masama. We're just gonna check them lang naman,” pagsangayon ni Bela kay Kera.
“Dont worry, alam kong ayos na ang mga yon. Sisiguraduhin ko lang na hindi sila magka-amnesia paggising nila,” tawang sabi ni Kera.
“Let them, we'll be on guard if anything happens.” simpleng sabi ni Blaise kina Tob.
Wala ng nagawa yung iba at tumango nalang. Pansin ko ang malawak na ngiti ni Kera. She looks super happy, napansin nya atang nakatitig ako sakanya kaya napatingin sya sakin na nakangiti parin.
“Hahaha don't mind me Stella, is just that Yuma's team is unstoppable,” sabi nya kumunot ang noo ko.
“Which means magaling sila, mahirap talunin at laging nangunguna" paliwanag nya.
“And your point is?” ngiting sabi ko. Alam ko na ang susunod nyang sasabihin pero gusto ko padin marinig.
Ito ang unang pagkatalo nila Yuma.
“This is the first time na naglaro ako sa unang laro nanalo tayo, at tayo ang kauna-unahang nakatalo sa kanila. Gosh I'm so proud of us, it feels surreal.” masayang sabi nya.
“Wait, bakit pala hindi nyo sila nakakalaro dati?” tanong ko pa.
“Hindi nagkaroon ng chance si Kera makalaro dahil dalawa lang silang babae noon Stella,” sabat ni Tob.
Dalawa lang sila? Sino naman kaya ang Isa?
“This is the first time she played kaya ganyan sya katuwa,” sabi ni Mike na bahagyang natatawa.
“Buti nga marami na tayo, hindi kasi kayang dalawa lang ang maglaro,” sabi ni Kera still having her smile.
Hindi nagtagal nakarating na kami sa kinalalagyan nila Yuma. Unang pumasok si Kera.
“Hello~” Kera energetically said with a wide grin.
“Tsk!” rinig kong singhal ni Megumi.
Naka busangot ang mukha nilang lahat. May mga case silang suot, meron sa binti at yung iba naman sa braso. Marami din silang gasgas at may mga nakapulupot na bandages sa ulo nila.
Sabi ko naman kay Aqua wag masyado lakasan ang atake nya eh. Muka tuloy silang nabugboh. I feel a little guilty.
“Hahayaan namin kayong magpagaling bago simulan ang parusa nyo,” ngiting Sabi ni Bela.
“Tsk!” singhal ulit ni Megumi sabay buganng hangin.
“Aasahan naming susunod kayo sa usapan,” abi ni Ice, bumuntong hininga si Yuma.
“A deal is a deal,” sabi ni Yuma habang naka busangot ang mukha.
“Tanggap namin ang pagkatalo,” mahinang sabi ni Anna. Tumango ang dalawang kasama nya na si Sammy at Jeng.
“Thank you for your cooperation,” sabat ni Blaise.
Napatingin si Yuma kay Blaise at namula, nakagat nya ang ibabang labi nya at nag-iwas ng tingin.
Lahat ata ng babae dito ay nabibighani sakanya.
“One more thing I like to ask.” sabi ni Bela at nag cross arms.
Napatingin sakanya sila Yuma. She's gonna start discussing about "that".
“Bakit nyo kami dinaya? Remember? Leveling?” tanong nya na may halong pang-aasar na tono.
Nagulat sila at hindi agad nakapag salita. Silence means their guilty.
“Answer me!” sigaw ni Bela. Nanginginig na ang kamay nya at baka kung anong gawin nya kela Yuma.
Mabilis syang hinawakan ni Jack. Nakahinga ako ng maluwag, ayoko ding magsimula ng away sa infirmary. Lalo na't nakaka-awa ang itsura ngayon nila Yuma.
“Calm down,” bulong ni Jack kumalma naman si Bela.
”We are sincerely sorry,” si Megumi ang nag salita. Pero halata namang pilit, hindi ko alam kung ganon lang sya mag sorry o ano, pero ok na ding nag sorry sya.
“Why would you guys do that?” malungkot na tanong ni Mile.
“Don't get us wrong. Hindi talaga namin naisip na maglagay ng spell habang nakasalang kayo sa leveling. May nagbigay lang ng isang bote samin,” sabi ni Yuma sabay labas ng bote na may kulay violet na likido.
“Kayang patibayin ng liquid nato ang kahit anong bagay katulad ng pader kaso dahil onti lang ito nasira nyo padin ang pader,” paliwanag ni Yuma inabot nya to kay Kera, at kinuha naman nya yon.
“Nakita namin yan sa loob ng dorm namin na nakapatong sa lamesa. Hindi namin alam kung kanino galing, pero may note na nagsasabing gamitin yan pag nagleveling kayo.” sabi ni Megumi.
"Dahil gusto ko ang ideyang yon ay ginawa ko parin,” sabi ni Yuma na bumalik ang ngisi.
“But seriously, that's not really our intention in the first place.” so someone else planned this.
“Hmm? who ever left this wants you to do the dirty work,” sabi ni Blaise napa-yuko si Yuma dahil si Blaise na ang nagsalita.
“I can sense dark magic in that potion,” komento pa ni Blaise.
Inutusan ni Blaise si Mike at Tob na dalhin ang bote kay Headmaster at paimbestigahan kung kanino ito nang-galing.
“Okay I forgive you, you have your reasons and you didn't thought of the plan on your own. So yeah, all goods.” sabi ni Bela.
“Inis parin ako but nanyare na eh,” kibit balikat pa nyang sabi.
Iniwan na namin sila Yuma don sa loob. Sigurado naman bukas ay gagawin nila ang napag usapan. Parang parusa nadin yun sa ginagawa nila sa leveling.
Pero kanina pa tumatakbo sa isipan ko kung sino ang gumawa non.
“Stella let's grab some nachos,” yaya sakin ni Bela.
“You alrea eaten.” natatawang sabi ko.
“Puro prutas lang kanina, nakakasawa din pala. But like it just this once.” she giggled after saying that.
Pumayag ako.
“Guys we'll just head over to the cafeteria," paalam ni Bela.
“Okay, we'll go to Headmaster's office,” sabi ni Blaise.
“And I'll go take some rest now.” sabi ni Kera.
“I want some nachos too, but I'm already full .” nakasimangot na sabi ni Mile sabay tingin sa hawak nyang basket.
Nangalahati ang laman. Natawa kami sakanya. Muntik nya na maubos.
“Yan kasi. Don't worry we will save some for you, bibili kami ng madaming nachos. Umuwi kana sa dorm at hintayin mo nalang kami.” suhestiyon ni Bela. Sumangayon si Mile.
With that we already bid our goodbyes and parted ways.
Kera's POV
KINABUKASAN
“Yuck ano ba naman to!” sigaw ni Megumi at tumalon-talon.
“Eww stop tumatalsik tumigil ka nga Megumi!” sigaw ni Sammy para matigilin si Megumi.
“Kadiri!” ngiwing sabi ni Yuma.
Nakapasok na sila sa loob ng kulungan nang mga werewolf, wala ang mga werewolf sa loob. Pinalabas sila dahil may klase ang mga D Class wizards, at ginamit sila pang training.
Kahit wala ang mga werewolf naiwan naman sa kulungan ang mga dumi nila. Napatakip din ako ng ilong ko dahil sa amoy, nasa labas ako pero amoy namin hanggang dito. Talagang pinabayaan ito para sila ang maglinis.
“Hindi ko akalaing ganto kadumi ang kulungan ng mga werewolf,” usal ni Stella. Binigyan sya agad ng panyo ni Ice para itakip sa ilong nya.
Ako ang nangunguna para matignan ng maayos sila Yuma sa loob. Si Mike nasa gilid ni Ice na katabi si Stella, habang nasa likod naman ni Stella si Mile at Bela. Si Jack kausap ang babaeng taga D Class, ka lalaking tao napakalandi, si Blaise naman nakasandal sa pader, medyo malayo sya samin.
“Panyo oh,” at syempre hindi ata ako lalayuan ni Tob. Hinablot ko ang panyong inabot nya.
Napa ngisi lang sya sa ginawa ko. Buti pala ay wala kaming klase kaya malaya kong nasaksihan ang kanilang paghihirap. Hindi pala sila sanay maglinis. Ako alam ko si Yuma hindi talaga, I'd been friends with her so I know she's irritated right now, because she doesn't like cleaning. Hindi ko alam na ang iba din ganon.
“Hindi ganyan kadumi ang kulungan, pinauwi lang nila ang mga taga linis, sinadya talaga to para sa parusa nila,” paliwanag ni Ice na naka-takip din ang ilong.
Naka boots sila Megumi at naka gloves, may takip din sila sa ilong para hindi mabahuan. Hawak ang mga panglinis ay pikit mata nilang nilinis ang mga dumi sa sahig, naawa ako sa kanila at the same time ay natatawa. I looked like a villain staring at them and happy because they're suffering, I'm so evil.
“Hindi naman siguro sila tatakas no?” tanong ni Mile. Tumango ako.
Kailangan matapos nila ang gawain nila. May mga bantay din sa labas kaya hindi sila makakatakas, plus the barriers. One wrong step out of the barrier will lead on
“Tara na, kaya na nila yan malaki na sila,” sabi ni Bela na medyo na tatawa.
Naglakad na kami at iniwan sila. A deal is a deal nga naman.
They lost and that's their consequence.