Stella's POV
Nagising ako dahil sa masarap na amoy ng pagkain, tumayo ako at naghilamos ng mukha. Pagtapos ay pumunta na ako kung saan nanggagaling ang amoy.
“Good Morning!” nagulat ako nang sumulpot si Mile sa gilid ko. Ngumiti ako sakanya.
“Good morning,” pagbati ko pabalik .
Nakita ko si Bela sa kusina na nagluluto, halos kumulo ang tyan ko nang maamoy ang malapitan ang niluluto nyang bacon at tocino. Nakita ko ding may nakahain ng omelette at fried rice, grabe gutom na ako.
“Morning, Princess.” bati sakin ni Bela nang humarap sya. Hawak pa nya ang sandok habang naka ngiti sakin.
"Good morning, I'm starving matagal paba yan?" Kunyareng inip Kong Sabi natawa si Bela.
“Breakfast will be in a minute, your Highness,” sabi nya sabay bow sakin sabay hinarap nya na ang kalan.
Maya-maya ay natapos na din sya magluto. Naka hain na ang bacon at tocino, naghiwa din ako ng kamatis. Nakakagutom talaga pag si Bela ang nagluto.
Pagtapos namin kumain ay nagbihis na kami, nang makuntento na sa mga sarili namin ay lumabas na kami.
“Teka. Nakalimutan ko ang kwentas ko,” sabi ko nang maramdamang hindi ko pala suot ang kwentas.
Bumalik ako sa loob at agad hinanap sa lamesa kung saan ko nilapag ang kwentas. Nang makita ay dinampot ko yun at lumabas na din agad.
“Wag mo na ulit kakalimutan yan Princess, mahirap nang mapasakamay yan sa taong hindi katiwa-tiwala,” bilin ni Bela. Tumango ako.
Naglakad kami sa hallway papuntang room ng S Class. Pagbukas namin nakita namin silang naka upo at may kanya-kanyang ginagawa.
“Hello Guys!” walang palya ang pag ka energetic ni Mile. Lumingon sila samin at ngumiti.
“Hi Mile, hello Bela and your Highness,” bati samin ni Jack at nag bow na naman sya.
Pilit kong sinasabi na wag na nilang gawin yan, but they insisted. Wala na din akong magawa nang mag-salita si Blaise kaya hindi na ako umalma. Pumasok na kami at umupo sa kanya-kanyang pwesto.
Sakto namang paglapag ko ng gamit ay pumasok ang isang babae. Kulot ang buhok nya, hindi sya masyadong maputi katamtaman lang ang kutis nya at green ang mata nya. Palagay ko nasa 20s na sya dahil mukang bata pa.
“Oh! I see knew faces," ngiting sabi nya.
“I'm Ms. Deviana Ursua, call me Ms. Devi. I'm your prof in Skilled Magic,” pagpapakilala nya nag labas sya ng scroll at binigay Kay Blaise.
“Anyway wala tayong klase ngayon dahil may misyon kayo,” kinuha ni Blaise ang scroll na binigay sakanya.
“We just received a call from Tamero Village, their childrens are missing,” sabi ni Ms. Devi.
“Tamero Village? teka, yan ang village na matatagpuan sa likod ng bundok,” sabi ni Bela. Tumango si Ms. Devi.
“Yes and they need your help now, kailangan nyong maresulba ang misteryo sa pag kawala ng mga bata. Here.” may inabot pa si Ms. Devi. Isang mapa, kinuha naman yun ni Blaise.
“Pack your things, malayo-layo ang lalakbayin nyo. Make sure you have all you need,” kinausap muna nya sandali si Blaise bago umalis. Nang nakabalik na si Blaise sa tabi namin ay kinausap sya ni Kera.
“Kailan ang alis natin?” tanong nya.
“Tomorrow,” maikling sagot ni Blaise.
“Wala na tayong klase, pwede na tayong umuwi. Make sure you all have a lot of rest. Hindi biro ang binigay sating misyon, better get ready,” seryosong sabi ni Blaise at naunang umalis. Humarap si Kera samin.
“You heard him, better get ready guys. Bukas magkita-kita nalang tayo sa gate ng M.A, may susundo satin para makadating sa bundok, see you.” Sabi nya nagpaalam sya samin at nag wave bago umalis.
Nag handa nadin kami para umalis.
“See you girls, susunduin ko kayo bukas sa dorm nyo, bye!” sabi ni Ice sabay kindat sakin bago umalis. Napailing nalang ako sa ginawa nya. Hindi ko alam na nakakahawa pala ang kindat ni Jack.
Nakauwi na kaming tatlo at nagayos ng gamit para bukas.
“Oo nga pala Stella pagtapos nito mag tra-training kana. Kami na daw bahala sayo sabi ni Headmistress,” ngiting sabi ni Mile.
“Kailangan ma-master mo ang pagiging Elemental Spirit Wizard,” sabi ni Bela na tinutulungan akong mag-impake. Ilang mga gamit lang. Tumango ako bilang tugon.
Nang natapos kami ay humiga kami sa kanya-kanyang kama namin, wala kaming gagawin eh.
“Whats it like to have a mission?” biglang tanong ko.
First time ko makasama sa misyon. Sana lang magawa namin ng maayos.
“Mahirap,” sabi ni Bela tumango si Mile.
“Oo yung unang misyon nga na binigay saming mga B Class eh sinalakay ng Dark Mage ang dalawang bayan. Hindi namin alam kung alin uunahin, marami kami non pero mas marami sila, halos hindi namin makayaan. Buti nalang dumating ang backup non kaya nagawa namin ang misyon namin,” ngiting sabi ni Mile.
“Pero ngayon iba na, mas mahirap.” sabi ni Bela. Napatigil ako sa sinabi nya.
“But dont worry Stella, you have us. Walang masamang mangyayare,” dugtong ni Bela. Ngumiti ako.
“I know,” sabi ko.
Dahil wala kaming ginagawa ay natapos ang araw na puro kwentuhan lang kami. Kwenento din nila na may mga ibat-ibang Spirit summoners.
Don ko din nalaman na tatlo pala ang magic na taglay ko. I have the Magic of Light, I'm a Spirit Summoner and I'm also holding the four spirits of the elements. Kung spirit summoner ako ay kaya ko pa palang magtawag ng ibang spirits basta hawak ko ang susi nila.
Sa ngayon dalawa palang ang kaya kong palabasin, don ko muna itutuon ang atensyon ko sa natitirang dalawang spirit. Nagdaan na ang gabi at nakaramdam na kami ng antok.
Daylight 5:09am
Antok na antok akong bumangon pumipikit-pikit pa ang mga mata ko sa sobrang antok. Hindi talaga ako sanay gumising ng maaga, pero dahil may importante kaming gagawin ay pinilit Kong bumangon. Pasuray-suray pa akong naglakad papunta sa banyo. Nag-ayos na kami.
Knock knock
Pumunta ako sa pintuan at ako na ang nag bukas. Pag bukas ko bumungad sakin ang gwapong Ice Wizard na nakangising nakatingin sakin. Naka plain blue t-shirt lang sya, black hiking shoes, black jeans at may suot na bag sa likod.
“Am I that handsome to look at?” tanong nya. Hindi matanggal ang ngisi dahil nahuli nyang nakatitig ako sakanya, umirap lang ako.
“Hindi kalang nahawa Kay Jack nahawa ka na din kay Tob. Masamang senyalis yan tsk tsk tsk.” pailing-iling na sabi ko. Natawa lang sya at pumasok na, sinara kona ang pinto at nag patuloy sa pag-aayos.
“Tara na, I'm done,” sabi ni Mile at bumaba na. She's wearing black leggings, black hiking shoes and a pink blouse. Hawak nya ang bag nya sa kanang kamay.
“Me too, tara,” bumaba din si Bela wearing jeans, green t-shirt that has a black printed design saying "Back off". While me? I'm just wearing a mustard long sleeves, crop top sya na hindi naman masyadong kita ang tyan ko, black jeans and hiking shoes. Tinali ko din ang buhok ko, sabay naming sinuot ang bag namin at lumabas na.
Nang nakarating na kami sa entrance ay natatanaw na namin sila Blaise sa gate na naghihintay. Nakita kong lumingon si Blaise sa gawi namin, nang nagtama ang tingin naming dalawa hindi ko maiwasang matulala sakanya. Naka suot lang sya ng plain black V neck t-shirt and maong short, naka suot din sya ng cap. Kita ko ang muscles nya, ngayon ko lang napansing ang ganda ng katawan nya, bakit parang gumwapo sya lalo?
Umiwas lang ako ng tingin.
“Ready naba lahat?” nabalik ako sa wisyo ng magsalita si Mike.
Tumango kami, dumating na ang van at sumakay na kami. Nakatabi ko si Blaise, walang imik syang naka tingin sa bintana habang nakatanaw sa nadadaanang tanawin.
Yawn
Napa tingin si Blaise sakin sa bigla kong paghikab.
“Did you get enough rest?” seryosong tanong nya. Napakamot ako ng ulo ko.
“Oo naman, medyo inaantok lang ako hindi kasi ako sanay gumising ng napaka aga eh,” mahinang sabi ko. Nagulat ako nang hinawakan nya ang ulo ko at isinandal sa matipunong balikat nya.
“Wait! what are you doing?” protesta ko. Tatanggalin ko na dapat ang kamay nya pero nag salita sya.
“Sleep. Ayokong lalanta-lanta ka sa daan pag umakyat tayo sa bundok,” malamig nyang sabi. Hindi na ako nag salita at natulog nalang tulad ng sabi nya.
“Princess?” mahinang bulong nang gumigising sakin.
“Hhmm!” antok kong sabi.
“Hey wake up we're here,” sabi pa nya pero inaantok parin ako.
“Hey Stupid Girl,” sabi nya pa. Hayss! 5 minutes.
“If you dont wake up, I'll kiss you,” sabi nya pa.
Teka ano daw? Otomatikong napaangat ang ulo ko, nahilo pa ako dahil kakagising ko lang.
I heard him chuckled.
“Let's go,” sabi ni Blaise at nauna ng umalis.
Kailan pasya naging pilyo?
May nangyare ba habang tulog ako?
“Loko-loko,” bulong ko.
Tumayo na ako at sumunod sa paglabas . Napanganga ako sa nakikitang napakataas na bundok sa harapan namin. May nag tataasang puno at mga d**o.
“Follow me. Wag kayong lalayo para hindi kayo maligaw,” seryosong sabi ni Blaise habang hawak ang mapa na binigay ni Ms. Devi.
Pumasok na kami at nagsimula ng umakyat sa bundok.
“Mukang hindi tayo agad makakarating sa Tamero,” sabi ni Ice.
Halata nga, wala pa kami sa kalahati ng bundok plus pag nakarating kami sa taas baba pa kami bago makadating sa side ng Village.
“Bakit hindi nalang natin gamitin ang magic natin?” tanong ni Mile.
“No, Ms. Devi told me that our magic will attract goblins mas lalo tayong mahihirapan pag ganon,” seryosong sabi ni Blaise. Bumusangot si Mile at nagpatuloy sa pag-akyat.
Goblins can smell magic. Isa sila sa mga creatures na mahirap pakitunguhan. Makukulit ang mga goblins, mahilig silang manggulo at mangsira ng mga gamit. Mabibilis din sila kumilos kaya nakakapag nakaw sila.
“Sayo lang sinabi?” takang tanong ko dahil sya lang ang may alam na may goblins sa bundok nato.
“Of course, I'm the leader,” may yabang nyang sabi. Napa ismid nalang ako.
Nag patuloy kami sa pag-akyat.
Few hours later.
“Are we there yet?” hingal na tanong ni Bela. Mahigit tatlong oras na kaming umaakyat, maga-apat na oras na din.
“No. We haven't even climb half of the mountain,” sagot ni Blaise. Bagsak ang balikat ni Bela nang marinig ang sinabi nya. Nagpatuloy na sya sa pag-akyat.
“Can we rest?” tanong ni Tob makalipas ng isa't kalahating oras.
“No,” agad na sagot ni Blaise. Dismayado naman ang lahat.
2 hours later.
“Brad pahinga muna tayo,” hingal na sabi ni Ice at hinawakan ang tuhod nya.
“Fudge man, let's rest first,” sabi ni Mike sabay upo sa batong malapit sakanya.
Malamig silang tinignan ni Blaise at tinalikuran. Wala silang nagawa kundi tumayo at sumunod nalang kay Blaise. Sigurado akong pag hindi kami sumunod iiwan nya kami.
Another 2 hours later.
“I'm tired,” reklamo ni Jack.
“Me too,” sabi ni Bela.
Tumingin ako sa likod at kita kong pagod na din ang iba. Lumipat ang tingin ko kay Blaise.
“Liyab let's rest for awhile,” sabi ko sakanya humarap sya sakin at kunot noong tinignan ako.
“I told you to stop calling me with that pet name!” irita nyang sabi.
“Let's rest,” seryosong ulit ko sa sinabi ko.
“No,” sagot nya pero tinitigan ko lang sya. Nag sukatan kami ng titig hanggang sa sya na ang umiwas ng tingin.
Bumaba sya sa pwesto nya at pumunta sa puno para umupo.
“Alright let's rest,” sabi nya napa ngisi ako. Narinig ko ang hiyawan ng mga nasa likod ko.
“Yes! my gosh, I'm sweating,” sabi ni Kera.
“Tubig, kailangan ko ng tubig,” sigaw ni Mile.
“Ang sakit ng tuhod ko grabe,” reklamo ni Ice.
“Hay! salamat, makakapag pahinga na,” sabi ni Jack.
“Kera! I need Air I cant breath,” sabi ni Tob at kunyaring kinakapos ng hininga.
Naglabas ng Air ball si Kera at binato sa direksyon ni Tob dali-dali namang gumawa ng Water Shield si Tob para hindi matamaan.
“That's not what I mean,” sabi ni Tob sabay pout. Umirap si Kera at umupo na din sa may puno.
“You're a life saver Stella!” sabi ni Bela at niyakap ako. Napatawa naman ako dun.
“Oo nga, bigyan ng tubig si Stella!” hysterical na sabi ni Mile. Napatawa naman kaming lahat.
“Hahahaha!” tawa namin. Mga loko-loko talaga.
“Tsk!” narinig naming singhal ni Blaise. Hindi nalang namin sya pinansin.
“The Fire wizard that is cold as ice has been beaten in a staring contest by the princess of Stars hahaha!” tawa ni Kera. Sinamaan naman sya ng tingin ni Blaise pero hindi sya pinansin ni Kera.
“Tsk! Let's stop here, it's getting dark,” sabi ni Blaise. May nilabas si Blaise sa bag nya dalawang tent.
“Sino pang may dalang tent,” tanong nya. Nagtaas si Tob at Jack sabay labas ng tent nila, tag isa silang dala bali apat lahat ng tent na meron kami.
“Okay, malaki tong isa kong dala kasya tatlong tao, yung iba by pair nalang para lahat makakatulog.” sabi ni Blaise. Nag tulungan kaming maglatag.
Nang matapos pumili na kami ng partner namin.
“Dito ako sa malaki, malikot ako matulog eh,” sabi ni Mile. Magproprotesta na dapat kami pero mabilis syang nakapasok sa loob.
“Kera dito kana sa tent ko,” ngising sabi ni Tob.
“Dito kana din sa tent ko Bela,” sabi naman ni Jack.
Sabay na umirap si Kera at Bela sa dalawa.
“No need/No thanks” sabay nilang sabi at pumasok sa malaking tent kung nasaan si Mile.
“Hey pano ako?!” reklamo ko.
“Dito nalang tayo sa isang tent Stella,” narinig kong sabi ni Ice.
“Utot mo Ice, tent ko to eh dapat nagdala ka ng sayo,” agaw ni Tob sa tent at pumasok na. Walang nagawa si Ice at pumasok nalang sa tent ni Tob.
“So that leads to the four of us,” sabi ni Mike.
“Dito ka nalang nga Mike,” nanlulumong sabi ni Jack.
“Okay,” kibit balikat na pumasok si Mike sa tent ni jack.
Teka lahat sila meron ng partner, so that means?
“I'm your partner then,” walang emosyong sabi ni Blaise.
What?