Stella's POV
Walang pasabing pumasok si Blaise sa tent nya at naiwan ako sa labas.
Teka, parang gusto ko mag demand ng isa pang tent. Kung palabasin ko kaya sya dyan at palipatin kela Ice kahit na siksikan na sila don? Papayag naman siguro sya no? Ako ang prinsesa. Pero parang ang oa ko naman? Wala naman syang gagawin, pero itong iniisip ko parang meron. Mahina kong tinapik Ang sarili ko.
Habang nagi-isip ng gagawin ay, sinilip ako ni Blaise dahil hindi parin ako pumasok.
“Hey I won't do anything, come inside Princess its cold,” seryosong sabi nya.
Hays! sige na Stella isang gabi lang naman, hahakbang na sana ako nang mag-salita sya.
“And besides—” tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.
“You're not my type,” ngising sabi nya at pumasok na ulit.
“How dare you!” singhal ko, para tuloy akong nag tunog spoiled prinsesa.
Padabog akong pumasok sa loob.
“Woh there, baka masira yung tent,” sabi nya hindi ko sya pinansin at nag-taklob na ako ng kumot sabay higa.
May oras talaga na naba-badtrip ako sakanya.
“Are you mad?” tanong nya. Hindi ako umimik, manigas sya.
“Hey!” tawag nya. Bahala ka. Naramdaman kong gumalaw sya.
“Ano ba Liyab, matutulog na ako bwis—” napatigil ako dahil bigla nya lang namang hinatak ang kumot ko. At napatigil ulit ako nang makitang sobrang lapit ng mukha namin sa isat-isa.
Ramdam ko ang hininga nya sa tumatama sa ilong ko. Hindi ako makagalaw, hindi ko man lang sya matulak. Nakatikom lang ang labi ko habang tinitignan nya.
“I'm talking to you Asteria and dont shout, ayaw mo naman siguro magising ang iba,” malamig nyang sabi. Ramdam ko na ang hininga nya sa tenga ko, agad akong lumayo nang matauhan.
“Hindi ako galit, saka pwede ba matulog nalang tayo,” inis kong bulong ngumisi sya.
“Are you mad of what I said?” tanong nya ulit at lumapit pa. Magkalapit na naman ang mukha namin.
Hindi ko na pinansin ng distansya namin at nagsalita nalang.
“Yes I am, you're so arrogant Blaise I hate that,” halos pabulong kong sabi. Ngumisi sya.
“Then I wont be arrogant if that's what you want... your Highness.” Natigilan ako.
Parang nalulunod ako sa mga mata nya. Naramdaman kong unti-unti nya nang nilalapit ang mukha nya. Nang ma-realize ko kung anong balak nya ay tinulak ko sya agad.
“Blaise,” bulong ko habang nakakunot ang noo.
Nakita kong gulat din ang ekspresyon nya. Para syang nagising bigla dahil kinusot-kusot nya pa ang mga mata nya.
“Damn! sorry, you can sleep now,” mahina nyang sabi. Lumayo sya sakin at humiga na.
Ang bilis ng t***k ng puso ko baka dahil sa kaba, nag-taklob na ulit ako ng kumot at humiga.
MORNING
“Wake up guys!” narinig kong sigaw ni Mile.
Para tuloy syang naging alarm clock namin. Bumangon na ako at kinusot-kusot ang mata ko paglingon ko sa kanan ko wala na si Blaise. Maaga siguro syang nagising, ayos na din ang kutson na hinihigaan nya, pati ang kumot na nakatupi na at unan na maayos na nakahilera.
Naalala ko na naman yung nangyare kagabi, napatikhim ako ng wala sa oras. Kung hindi ko sya tinulak baka… baka... aysss! nevermind, lumabas na ako sa tent.
“Anyare sayo Princess? bakit parang hindi ka ata nakatulog ng maayos?” tanong ni Mile nangmakita ang itsura ko.
Hindi para ako nag-ayos ng sarili. Hinugot ko ang cellphone ko na bigay ni Auntie, tinapon ko pala ang cellphone ko na galing mortal world dahil hindi naman ito gumagana sa mundong to. Sa cellphone ako nag salamin, gulat na gulat ako nang makita ko ang mukha ko. Maka akong zombie, hays! kasalanan to ni Liyab, dahil sakanya hindi ako nakatulog ng maayos.
“May lawa ba dito? O kahit anong pagkukunan ng tubig?” tanong ko. Ang lagkit kasi ng mukha ko. Wala kami sa M.A, kaya alam ko na hindi kami basta-basta makaligo o hilamos.
“Meron doon, medyo malayo.” Turo ni Ice sa may kaliwa.
“Salamat. Akala ko wala sa lugar nato, mabuti alam mo Ice.” Sabi ko.
“Nakita ko lang sa mapa,” natatawa nyang sabi sabay turo ng napa sa lamesa na hindi kalayuan sa kanya.
Napamaing nalang ako.
“Kaya pala,” natatawa kong sabi.
He just smiled showing his perfect set of white teeth. I chuckled again.
Naglakad na ako kung saan mismo sinabi ni Ice. Hindi naman masyadong malayo, kaya hindi na ako nagpasama. Ilang sandali ay tumigil ako, pinunasan ko ang pawis ko gamit ang likod ng palad ko. Hindi din kasi ako sanay sa mga bundok, yung aakyat ka at baba. Kaya nakakapagod para sakin, ganon din ata sila, maliban kay Blaise. Mukang sanay sya sa lahat ng bagay.
Hindi ko pa nakikitang may hindi sya kayang gawin. Anyway, bakit ko ba yun biglang naisip? Nagpatuloy ako sa paghanap ng lawa.
Nakarating na ako. Agad akong naghilamos pagka-tapak ko sa harap ng lawa. Napakalinaw na tubig, kita ko ang sarili ko.
“Wow ang lamig,” sabi ko. Nakakaginhawa ang tubig.
Nang natapos na ako balak ko na sanang umalis nang biglang may umahon sa tubig. Nag-init ang pisngi ko nang makita ko sya.
What the hell?
Lumaki ang mga mata ko.
Pano ba namang hindi magiging ganto ang reaksyon ko, eh isang Blaise Gerome Nevera, umahon sa tubig. Topless, water dripping on his abs, on his eight pack abs!
Putaragis ka talaga Blaise, what are you doing to me? Everytime I see him, it's like there's something... Arrg! I can't find the right word to describe this.
Pwede ba ako mag summoned ng mga santo para bigyan ako ng holy water? Gusto ko lang maglagay sa mata.
Tumingin sya sa gawi ko, medyo napatalon ako nang nagtama ang tingin namin. He smirked.
Damn you seductive fire wizard. Lumangoy sya palapit sakin. Nag-iisip pa ako kung aalis nalang ako ng walang pasabi, but that's kinda rude.
“Good morning,” bati nya at ngumisi sakin.
“Walang good, sa morning,” kunyaring inis na sabi ko at umirap pa.
He chuckled again. Umalis na ako dun.
Hindi naman ako ganto dati pagnakakakita ng ganon. Sa katunayan sanay na ako makakita ng abs, sa school ko dati? During p.e or any kinds of sports, girls always see those views. Isa na ako don, pero err! aaminin ko hindi lang magic nya ang hot, pati na din sya.
Tumulong nalang ako sa pagliligpit ng tent at mga gamit namin para umalis. Hindi kami pwede magtagal. Delikado sa bundok at syempre may nangangailangan ng tulong namin.
Nakadating na kami sa tuktok. All we have to do now is to go down.
“Let's—” napatigil si Bela sa pagsasalita. Natulala sya bigla at parang nangingilid ang luha, nagtataka kaming napatingin sakanya.
“No,” pabulong nyang sabi.
“Bela anong nangyaya—” napatigil din sa pag-sasalita si Mike.
Kumunot ang noo ko sa nangyayare, bumalot din ang pag-alala. I can sense something near us.
“No!” sigaw ni Bela. Pinuntahan namin sya, sapo-sapo nya ang ulo nya at tuluyan ng umiyak.
“What is happening to her?” paga-alala ni Jack. Hindi nya alam kung hahawakan nya ba si Bela o hindi.
“Agony,” napa tingin kami sa likod namin nang may mag-salita.
There are three girls grinning evilly at us. Itim na itim ang aura nila.
Sob sob
Napatingin kami kay Mile. Katulad ni Bela umiiyak din sya, nakatingala sya at nakatingin sa langit. Kitang-kita kita ang luha na tumulo sa mga mata nya.
They're the once whose behind this.
“Despair,” sabi ng pangalawang babae.
“No one cares for me,” napatingin kami kay Kera nang magsalita sya. Oh no, not Kera.
Ang lungkot ng mga mata nya at nagulat kami nang may hawak syang kutsilyo. Saan galing yan?
Bigla ko ding naalala na meron pala kaming dala nyan sa bag. Tututok nya dapat yun sa leeg nya, buti napigilan sya ni Tob. Napabuga ako ng hangin.
“Kera stop!” galit na sigaw ni Tob sabay agaw ng kutsilyo sa kamay nya.
“Sorrow,” nag-salita ang pangatlong babae.
“Damn,” mura ni Tob nang biglang nagwala si Kera. Pinipilit agawin ang kutsilyo.
“No one has been there for me. I'm alone,” nagigilid ang luhang sabi ni Kera habang patuloy na inaagaw ang kutsilyo.
“Stop! please stop!” sigaw ni Bela. Pinipilit hawakan ni Jack ang kamay nya pero patuloy itong lumalayo.
Sinamaan ko ng tingin ang tatlong babae. Napatiim bagang ako.
“I'm useless,” tulalang sabi ni Mile. Nilapitan ko sya at hinawakan ang mag kabilang balikat nya at inalog-alog ko sya.
“Mile ano ba, anong nangyayare sayo?”sabi ko na halos pasigaw na.
“Agony, despair, sorrow." sabay-sabay na sabi ng tatlong babae.
“All of them gives you, pain.” sabi ng unang babae.
“Sino ba ang mga yan?” nanggigigil kong sabi.
What ever those three are doing, it's not good for them.
“Those three are sisters. The first one is the Mage of Agony, second is the Mage of Despair, third the Mage of Sorrow. Their names are the same as there magic. Agony, Despair and Sorrow,” sagot ni Ice sa tanong ko.
“Mga kampon ng Dark Mage,” dagdag ni Ice.
Sabi na eh. Pamilyar ang pakiramdam, pero iba. Nakakakilabot ang aura nila sa malapitan, kaya madaming ordinaryong Wizard ang natatakot sakanila. Hindi ko ipagkakailang natatakot din ako, pero onti-onti na din akong nasasanay sa pakiramdam nato.
“Bela stop! Snap out of it!” sigaw ni Jack. Patuloy parin nyang pinipigilan si Bela sa pagwawala.
It's not good on their side, habang ako hindi ko makausap si Mile ng maayos.
“Bakit sila nandito?” tanong ko at hindi mapakali.
What are they up to?
“Mukang nandito sila para manggulo satin,” seryosong sabi ni Ice.
Tumingin ako kay Blaise. Nakikiusap ang mga mata ko na gumawa sya ng paraan, mukang nabasa nya kung anong ibig kong sabihin.
“Hindi natin sila matutulungan dahil sarili lang din nila ang makakatulong sa sitwasyon nila ngayon,” sabi nya.
Is he saying that there's no way to help them?
“Pano nila matutulungan sarili nila? tignan mo naman,” turo ko sakanila. Wala sila sa wisyo.
“They have to fight for there selves, if not the pain of their hearts will swallow them,” kalmadong sabi nya.
“Kainis,” sabi ko dahil sa inis talaga.
“But—” pahabol nya. Nakita kong ngumisi sya.
“We can fight. Pagnatalo natin sila kaya nating mapawalang bisa ang magic nila,” sabi nya.
“Edi tara,” sabi ko hinawakan nya ang balikat ko. Akma na kasing susugod ako.
“Don't be so confident na matatalo sila agad. Malalakas sila at pag ikaw nagamitan ng magic nila magagaya ka kela Bela. They can see through our hearts, the pain that we all have inside will come out.” seryosong sabi nya. Napatigil ako dahil don.
Right, hindi pwede magpadalos-dalos. Binitawan nya na ako. Tinignan ko ang tatlong babae, naka-ngisi lang sila. Hindi din sila nagalaw sa pwesto nila.
Are they waiting for us to attack? Probably.
“Jack, Ice, Tob kayong bahala kela Bela. Make them come to their senses,” maatoridad na utos nya.
“Mike, Stella and Me will take care of the three mad ladies,” dagdg nya. Tumango sila bilang tugon.
Hinarap namin nila Blaise ang tatlo. Nakatitig parin sila samin habang naka-ngisi. How I love to get rid of the smirks on their faces.
“Mike, you go with Agony,” maatoridad na sabi ni Blaise. Agad na pumunta si Mike sa kalaban nya, tulad ng utos ni Blaise.
“Princess can you please go to Despair,” utos nya, with respect. Tumango ako.
“I'll deal with Sorrow,” seryoso nyang sabi at iniwan na ako para pumunta kay Sorrow.
Nakita kong tumakbo ang kalaban ko sa ibang direksyon. Sinundan ko sya. Habang sinusundan sya nakikita kong papalayo na kami sa iba. Wala akong mapa at hindi ko kabisado ang bundok na to, sigurong gusto nya ako iligaw kasabay naghahanap ng lugar na may advantage sya.
Hindi ko sya hahayaang makalayo pa. Nilahad ko ang kamay ko. I made a whip out of my light magic. Hinampas ko ang latigo sa direksyon nya pero naka iwas sya, kahit ganon malakas ang naging impact non kaya nagkaroon ng pinsala ang lupa dahilan para ma-out of balance sya. Napasubsob nya sa lupa pero dali-dali din syang tumayo ng diretso at hinarap ako.
Hinanda ko ang latigo ko. Ngayon kaming dalawa nalang dito malayo sa kanila.