Stella's POV “Breakfast in bed for our Princess!” nagising ako sa sigaw nila Bela. Pag-mulat ko ng dalawang mata ko ay bumungad sakin ang masasarap na pagkain sa harapan ko. Napa-buka ang bibig ko, may omelette, sinangag, hotdog, ham at hot choco sa nasa tray table. Naglagay pa sila ng flower vase na may lamang tatlong tulips. Nagtaka ako kung bakit nila ako pinaghandaan ng ganito. Usually sa sala ako pumunta para dun kumain kasama sila, kung tapos naman sila kumain ay dun parin ako sa sala kakain. “Kumain kana kanina ka pa namin ginigising, tulog mantika ka talaga Stella,” sabi ni Mile. Kinusot ko ang dalawang mata ko at napa-hikab. Tinignan ko ang orasan na naka sabit sa wall clock, 9:47 AM na. Napaka antukin ko talaga. Binigyan ko sila ng isang maliit na ngiti. “Ah, good morning,”

