Stella's POV
Wala akong nagawa.
Halos maiyak ako habang karga ang sanggol at tumakbo papalayo, tuluyan nang nakain ng Wendigo ang nanay ng bata. Gusto kong iuntog ang sarili ko, nakapa-tanga ko. Hindi ko natawag si Sky, kahit si Aqua. May hawak na akong susi kanina pero nawala ang pagkakataong matawag ko sila. Naiinis ako sa sarili ko, kung sana natawag ko sila hindi sana namatay ang nanay ng bata.
Parang bumalik ako sa araw nang pagkamatay ng mga magulang ko. Hanggang ngayon wala pa din akong nagawa.
Tumakbo ako at nagtago sa likod ng puno, ako naman ngayon ang hinahabol ng Wendigo. Narinig ko ang mga yabag ng Wendigo papalapit samin, muntik na ako atakihin sa puso nang sumulpot ito sa harapan namin, puno ng dugo ang bibig nito na tumutulo pa sa sahig.
“Huwaah! huwaah!” iyak ng sanggol na karga-karga ko dahilan para tuluyang lumapit ang halimaw samin.
Dadakmain na sana kami ng Wendigo pero naka-iwas ako, tumama ang kamay nito sa puno. Halos mabutas it.
Ang lakas.
Muntik na ako tumilapon dahil sa impact. Umayos ako ng tayo.
Now the Wendigo's hand is stuck in the tree. Sinusubukan nyang tanggalin ang kamay nyang naka ipit sa puno, habang tinatanggal nito ang kamay nya ay tumakbo na ako para makatakas. Mabilis itong napatingin sakin.
“Huwaahh! huwaahh!” iyak ulit ng sanggol. Napakagat ako sa ibabang labi ko.
“Shush, please don't cry,” pagpapatahan ko. Hinimas ko ang likod nya para kumalma man lang.
BOOGGSSHH
Nakarinig ako ng malakas na pagbagsak ng puno. Pagtingin ko sa likod ko ay hinabol na naman ako. Pumikit ako, hindi pwedeng tumakbo lang ako ng tumakbo. Hinawakan ko ang kwintas ko kasabay nun ang paglabas ng susi.
“Gate of the sea's I summoned you, water spirit,” kahit hirap ako dahil sa pagtakbo at pagiwas sa Wendigo ay sinubukan ko mag summoned.
“Aqua!” sigaw ko.
“Huh?” tulalang tingin ko sa susing hawak ko.
“Aqua!” muli kong tawag. Naghintay ako ng ilang segundo, pero walang Aqua na lumabas.
Napatingin ako sa likod ko. Nagulat ako nang tumalon ang Wendigo at nagawa akong daganan. Ang lakas ng impact ng pagtama ko sa lupa at kasabay non ang pagbitaw ko sa sanggol. Tumilapon ang sanggol at bumagsak sa lupa. Nataranta ako nang nawalan sya ng malay.
“No— Aahhh!” tatayo sana ako nang kagatin ako ng Wendigo sa braso. Halos mamilipit ako sa sakit. Padiin ng diin ang kagat nya, para syang kakain ng piniritong manok sa pagkakahawak nya sa braso ko. Paulit-ulit akong sumigaw.
Pag nagpatuloy to unti-unti akong makakain ng buhay.
“Light Ray!” I shouted. I put all my strength in my attack.
Tinapat ko ang kamay ko sa puso ng Wendigo, kasabay ang paglabas ng parang laser sa palad ko.
PEW
In one hit, nagkaroon ng butas ang dibdib ng Wendigo. Bumagsak ito habang ang bibig ay nanatili sa braso ko. Dahan-dahan ko itong inalis, napapikit pako dahil sa sakit. Napatingin ako sa direksyon kung nasaan ang sanggol, agad akong pumunta dun. Napatakip ako ng bibig. Wala syang malay.
“Baby Girl? please be alive,” pagsu-sumamo ko. Marahan ko syang tinapik sa pisngi nya pero hindi sya gumalaw. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko, nanginginig akong hinawakan ang kwintas ko.
“G-gate of the H-hurricane's I s-summoned you, A-air s-spirit!” garalgal ang tonong pagtawag ko.
“Sky,” halos pabulong kong tawag.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi. Napayakap ako sa sanggol.
“Sky!” pasigaw ko ng tawag pero wala parin.
“PLEASE SKY, AQUA KAILANGAN KO KAYO!” Sigaw ko kasabay ng pag-iyak.
Please not the baby, wag ang bata please, kailangan nya mabuhay. Eto nalang ang magagawa ko sa nanay nya, eto nalang.
“Baby girl!” pagtawag ko. Napatitig ako sa mukha ng sanggol kamukha sya ng nanay nya. Napa hikbi ako.
“Lumabas na kayo!” napatingin ako sa kwintas ko. Umaasang may lalabas, pero wala.
“Tulong,” pabulong kong sabi.
Kinarga ko ang sanggol at sinubukang tumayo.
“Arrgg!” daing ko dahil napaupo ulit ako sa lupa.
Napayuko ako. Wala na akong lakas halos maubusan na din ako ng dugo. Sobrang kirot pa ng braso ko. Hindi ko na madadala ang sanggol sa Guildhall.
Ggrrrrr
Ggrrrrr
Napa-angat ako ng tingin. Namutla ako nang makita ang mas maraming Wendigo na nakapaligid samin. Nakita ko pang tumayo ang kaninang pinabaksak ko. Buhay parin?
Nangilabot ako sa takot, niyakap ko ng mahigpit ang sanggol.
Ang dami nila.
“H-help!” nahihirapan kong sabi.
I swallowed a lump in my throat, I can't even see clearly bacause of the tears in my eyes. Nag simula na silang lumapit
“Aaahhhh!” pikit mata kong sigaw.
“Tsunami!” I heard Tob's voice.
Napadilat ako. Ilang sandali ay nagkaroon ng higanteng alon na tumangay sa mga Wendigo. Napanganga ako.
“Earth Smash,” dumating naman si Mike at pinagba-baksakan nya sila ng mga malalaking bato.
Nadurog ang ilang mga Wendigo. Gusto kong takpan ang mata ko dahil sa mga dugong tumatalsik pero nanatili akong nakatulala.
“Sorry ngayon lang kami,” sumulpot si Bela sa tabi ko.
May hawak syang first aid kit. Nakita ko din si Blaise, Kera, Jack, Mile at Ice na paparating. Mabilis na pumunta si Mile sa pwesto ko, napatakip sya ng bibig nang makita ako.
“Bela pagalingin mo na sya agad,” sabi ni Mile. Nag halungkat na si Bela sa dala nyang first aid kit. Agad akong umiling at pinakita ang sanggol.
“S-sya a-ang u-unahin nyo,” nanginginig kong sabi. Gulat sila nang makita ang walang malay na sanggol.
“Hala!” gulat na sigaw ni Mile at kinuha ang sanggol mula sa bisig ko.
“A-akong bahala, wag kang mag-alala dadalhin ko sya sa guildhall. Bela ikaw na bahala kay Stella,” agad na syang tumakbo ng napakabilis at sa isang pikit mata ay nawala na sya paningin ko.
Agad akong pinagaling ni Bela. Ginamit nya muna ang magic nya para matigil ang pag dugo.
“Buti hindi nakain ang laman mo,” may alalang sabi nya habang tinitignan ang malaking kagat ng Wendigo sakin.
Pagtapos patigilin ang pagdugo ay nilinis nya ang nakakalat na dugo sa braso ko. Kumuha sya ng puting panyo at nilagyan ng magic ointment na hindi ko alam kung para saan.
“Pinuntahan namin ang ibang mga wizards na sinalakay, medyo natagalan kami kaya hindi ka namin napuntahan agad,” paliwanag nya. Hindi nya na kailangan sabihin yun dahil naintindihan ko naman.
Kaligtasan ng mga Wizards ang priority namin.
“Magiging maayos din ang lagay ng sanggol,” sabi nya. Napalunok ako.
Sana.
Pagtapos nyang maglinis ay kumuha sya ng bandages at pinulupot ito sa braso ko. Dahan-dahan ang lagay nya na parang isa akong babasagin na bagay. Ngumiti sya sakin pagtapos.
“Stella?” pagtawag nya sakin. Napa kurap-kurap ako at napa iling para maalis sa pagka-tulala.
“Salamat,” nasabi ko nalang.
BOOGGSSHH
Nakarinig kaming dalawa ng pagsabog. Pagtingin namin ay nakikipag-laban parin sila. Niligpit ni Bela ang gamit nya at tumayo.
“D'yan ka muna Stella, tutulong lang ako sakanila,” ngumiti sya sakin at tumakbo para tumulong.
At nandito lang ako nakaupo, pinapanood silang makipag-laban.
“Aray ko naman Tob!” sigaw ni Jack dahil nagka-banggaan sila ni Tob.
“Tumabi ka kasi alam mong paparating ako,” banat ni Tob.
Habang nakikipaglaban ay nagagawa parin nila mag-usap.
“Malay ko ba,” sagot ni Jack.
“Sasusunod pag-naramdaman mong may paparating na gwapo tumabi kana,” banat na naman ni Tob at gumawa ng Snake Dragon.
“Ulol!” sabi ni Jack at nagbato ng mga baraha nya. Kada dikit nito sa Wendigo ay sumasabog ito dahilan para magka-lasog-lasog ang katawan nila.
“Ice Spike,” napalingon ako kay Ice. Sunod-sunod na naglalabasan ang mga patusok na yelo sa lupa.
“24 na napatay ko. Ano kayo ngayon? mga mahina,” nagma-mayabang ni Ice habang nakangisi.
“Earth Smash!” biglang sigaw ni Mike.
“Hmm? 28 not bad,” sabi ni Mike. Nagpa-padamihan ata sila kung ilan ang mapapatay nila.
Naikuyom ko ang dalawang palad ko.
“Blazing Inferno!” napatingin naman ako kay Blaise. Walang kahirap-hirap nyang sinunog ang mga Wendigo. Naging abo silang lahat. Walang naiwan kahit buto nila.
“I got 41,” ngisi ni Blaise. Umismid si Ice.
“Umayos nga kayo,” sermon ni Kera. Seryoso syang nakiki-paglaban.
“Wag nyo naman akong ubusan, labing lima parang napapatay ko,” dagdag nya pa.
Napa-nganga nalang ako. Ilang minuto din silang naga-asaran habang lumalaban.
“Wala ng mga Wendigo, mga aber,” naka pamewang na sabi ni Bela.
Hawak nya ang espada nya na naliligo sa dugo. Nang-tinignan ko ang paligid ay wala na nga.
Nagawa nilang ubusin ang lahat ng ito? At sabi pa ni Blaise na ito ang unang encounter nila sa mga Wendigo. Bakit mukang hindi naman?
“Stella,” tawag sakin ni Kera. Tinignan nya ang braso ko, marahan nya tong hinaplos.
“Are you okay?” tanong nya. Tumango ako at bahagyang ngumiti, nagsilapitan na sila sakin.
“Can you stand?” tanong ni Mike. Sinubukan kong tumayo pero nanginig lang ang katawan ko at natumba din. Napa-pikit ako.
“I cant,” mahina kong sabi.
“I'll carry her,” pag-prisinta ni Blaise.
“No, ako na,” napatingin ako kay Ice. Sya na ang lumapit sakin. Tumalikod sya para makasampa ako sa likod nya.
Wala akong nagawa kundi sumampa at hayaan akong buhatin nya. Lumakad na sila papuntang Guildhall. Hindi ko maiwasang tumingin sa paligid, magulo ang lugar maraming nawasak at nasirang mga bahay. Pero lahat ng mga sumalakay na Wendigo ay napatay nilang lahat.
Naka-kalat na ang mga Villagers para maglinis at mag-ayos ng mga nasirang gamit at bahay nila. Bigla silang npatingin sa gawi namin, ngitian nila kami, ang ngiting nagbibigay ng pasasalamat.
Umiwas ako ng tingin.
“Maraming salamat! Hindi ko akalaing ganto kalakas ang mga Wizards galing sa Academy,” pagpapasalamat at puri ni Master Hade.
Nakarating na kami sa Guildhall, nakaupo kaming lahat ngayon sa mahabang sofa.
“Inaasahan ko nato pero nagulat parin ako Ha-Ha-Ha,” natutuwang sabi nya. Kita ko ang saya nya dahil naligtas na ang bayan nila.
“Bilang pabuya at pagpapasalamat ito tanggapin nyo,” lahad nya ng dalawang bag na katamtaman lang ang laki. Kinuha yon ni Blaise at binuksan.
Bumungad samin ang nagkikintabang mga alahas, ginto at pilak. Sinara na ni Blaise yon matapos makita.
“Thank you Master Hade,” pasasalamat ni Blaise. Nagpasalamat din kami.
“Kailangan nyo na umuwi. Aayusin pa ang lugar namin, hindi kayo makakapag-pahinga dito,” sabi ni Master Hade. Sumangayon naman kami.
“Ihahanda ko ang masasakyan nyo,” tumayo si Master at may kinausap sa isa sa miyemdro ng Guild nila.
Matapos non ay naghanda na kami para umalis. Hinayaan nila kami magpalit muna ng damit dahil nadungisan kami sa pakikipag laban.
Natapos na kong magbihis.
“Aray!” daing ko. Hindi ko masuot ng maayos ang bag ko dahil sa braso kong hindi pa nagaling.
Naramdaman ko ang kirot nito at halos mapangiwi ako.
“Give me that,” kinuha ni Blaise ang bag ko at nauna ng maglakad. Napa yuko nalang ako at sumunod.
Naghihintay samin ang isang eleganteng carriage. Kulay brown to nabmay halong ginto sa mga gili, nagpa-paandar dito ay ang dalawang puting kabayo.
Teka may pakpak?
Pegasus?
“Don't ask, you know the answer,” mag tatanong sana ako kung totoong Pegasus ang nakikita ko pero sumabat na si Blaise.
Nagulat ako pero walang lumabas sa bibig ko, gusto ko itong puntahan at pagmasdan dahil ngayon lang ako nakakita nito.
Pero hindi ko magawa.
Tumahimik nalang ako. Sumakay na kami. Malaki at maluwag sa loob, malambot din ang inuupuan namin.
“You seem quiet today,” I heard Kera said.
Naka-upo sya sa tabi ko. Nasa tabi naman ako ng bintana, tinitignan ang tanawin.
“It's nothing,” I gave her a little smile. Mukang hindi naman sya na kumbinsi. Binalik ko lang ang tingin sa labas.
“The Baby is alright,” sabat ni Mile at nag-lean pa para makita ako. Magka-katabi kaming mga babae habang nasa kabilang upuan ang mga boys.
“May nakitang onting dugo na likod ng ulo nya pero maayos at gising na sya ngayon,” nakahinga ako ng maluwag. Buti naman.
Kahit papano naginhawaan ako sa balitang ibinigay nya. Tumango ako kay Mile. Muli akong tumingin sa labas. Tahimik lang sila sa loob ng karwahe. Ang naririnig lang ay ang pagpagaspas ng pakpak ng Pegasus, parang tinatansya nila ang kalagayan ko. Pagtinatanong nila ako ay isang ngiti lang ang binibigay ko, pero hindi sila kumbinsido. Gusto ko sanang sabihing okay lang ako pero kitang-kita naman ata na hindi.
We felt the soft landing of the Carriage.
“Nakabalik na tayo,” sabi ni Mile. Nagsi-babaan na kami. Mag-gagabi na ng maka-uwi kami.
Kita namin ang papalubog na araw. Magandang tanawin pero hindi ko magawang matuwa.
“Salamat kuya,” sabi ni Bela.
“Walang ano man mauna na ako,” paalam ng naghatid samin. Umalis na sya at naiwan na kami dito sa tapat ng gate Magiaca Academy.
“We should get some rest,” sabi ni Mike at nag lakad. Sumunod kami.
“Stella here,” abot sakin ng bag ni Blaise.
“Akin na, ako mag-dadala. Hindi pa magaling ang braso nya,” si Bela ang nagkuha ng bag ko at lumakad na para pumasok. Sumunod nalang ako.
Walang imik ako hanggang sa makarating kami sa dorm. Nauna na akong humiga at naiwan sila Bela sa sala para mag-ayos, Nakita ko ang nilagay nilang bag sa table malapit sa kama ko. Hinati na nila Blaise ang pabuya, hindi ko yun ginalaw o hinawakan man lang.
I feel like I shouldn't get anything even a single nickel in that reward.
Niyakap ko ang tuhod ko at inalala ang nangyare. Nanginginig akong hinawakan ang kwintas ko.
“The time that I needed my magic, is the time that I didn't even get to use it,” malungkot kong bulong. Napapikit ako.
The mission was a success. I'm supposed to be happy right? But who am I kidding? They can fight without me, they can save the villagers without me. I just realized that I looked like a dumb kid back there just seating and watching them, looking so amused while they fight like a professional.
I let out a heavy sigh.
In my first mission?
I was totally Useless.