Stella's POV
“Despair, despair!” paulit-ulit nyang sabi.
Umiwas ako sa atake nyang papalapit sakin. Sisipain ko na dapat sya nang bigla nalang syang napunta sa likod ko. Nagulat ako nang hinawakan nya ng mahigpit ang kamay kong may hawak na latigo, dahilan para mawala ito. Gusto kong dumaing dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sakin pero itinikom ko lang ang bibig ko.
“You're so Beautiful Princess,” bulong nya sabay tawa.
“You could be a great queen to our beloved prince,” dagdag nya pa. Nag-pumiglas ako.
“Oh talaga? Iharap nyo sakin ang prinsepe nyo, wag syang mag-tago sa dilim!” sigaw ko. Humigpit lalo ang hawak nya.
Nasasaktan ako pero hindi ko ipinakita, hindi ata titigil ang prinsepe nila hanggat hindi ako na papatay, at wag nya sanang makuha ang idea ni Despair na maging reyna nya, nakakasukang isipin.
“Makikilala mo na din sya, pero ngayon papahirapan muna kita," ngumisi sya, sabay tawa na parang baliw.
Unti-unti akong binabalot ng itim na mahika nya. Unti-unti na akong nilamon.
Walang emosyon akong tumingin kung saan nya ako dinila.
Sa mortal world.
Nasa school ako, nung panahong grade 6 palang ako.
“Hey loser,” may biglang nagbato sakin ng malagkit na bagay.
Ano to?
Putek?
Napatingin ako kung saan nang galing yun. Pinalilibutan ako ng mga batang may hawak na putek, binato nila yun sakin.
“Kuhaan ng card bukas, saan parents mo?” sabi ng isa babae. Hindi ako umimik.
“They left you alone, that's so sad.” Kunyareng naaawang sabi ng isa pang babae. Kumuyom ang kamao ko.
Umikot nanaman ang paligid. Nakita ko ang sarili kong sinasabunutan ni Joanna.
“Stella is being bullied,” kinilabutan ako nang bumulong sya sa tenga ko. Nilingon ko sya, naka ngisi sya habang nakatingin sakin.
“Here,” abot nya sakin ng dagger. Itim ang handle nito at sobrang talim. Anong gagawin ko dyan?
“Kung iu-utos mong isaksak ko yan sa sarili ko, sorry ka, hindi ko yan kukunin.” Ngisi kong sabi.
“Tama na!” lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw. Nakita kong inu-untog na ako ni Joanna. May dugo na ding namumuo sa ulo ko.
Napalunok ako, pinapanood ko ang sarili kong masaktan. May naramdaman din akong tumulo sa sarili kong noo, paghawak ko ay nakaramdam ako ng malagkit hindi putek kundi...
Dugo?
“Mamatay kana! mamatay ka!” sigaw ni Joanna. Paulit-ulit nya akong inu-untog, dumadami nadin ang dugong umaagos sa noo ko.
“This is not for you,” sabi ni Despair.
Napalingon ako sakanya. Naka ngisi parin sya, kinilabutan ako. Napa hawak ako sa kaliwang braso ko at hinimas ito dahil nagtayuan ang mga balahibo ko.
“This is for her,” baling nya kay Joanna.
Napatigil ako nawindang sa balak ngang ipagawa.
“Kill her,” abot nya sakin ng dagger
“W-what? I-i can't do that!” nauutal kong sabi at umatras. Lumawak ang ngisi nya.
“This is your chance, kill her Princess.” sya mismo ang kumuha ng kamay ko para ibigay ang dagger. Nanginginig ako habang hawak yun.
“She's the reason why you're suffering, she should die.” bulong nya. Natulala ako.
She's right. Si Joanna, sya ang dahilan kung bakit naghirap ako sa mortal world. Unti-unti akong lumapit, nanginginig ang kamay ko pero wala akong pakealam.
“Kill her,” bulong nya ulit.
“Kill.”
“Kill.”
“Kill.”
Paulit-ulit nyang bulong. Yes, I will definitely kill her.
Hinawakan ko si Joanna sa kamay nang nakalapit sakanya, napatigil sya. Hindi ko na sya pinag-salita dahil hinampas ko sya sa mukha, dahilan para sumalampak sya sa sahig.
Pumatong ako sakanya at tinutok ang talim ng dagger. Pumalag sya pero hinampas ko lang ulit sya sa mukha, dumugo na ang ilong nya dahil sa lakas ng hampas ko.
Pumiglas ulit sya kaya paulit-ulit ko lang syang hinampas para tumigil.
“Anong pakiramdam ng walang laban Joanna?” malamig kong sabi. Nag-pumiglas sya kaya mas diniin ko pa ang dagger. Malapit na ito sa balat nya.
“Die,” bulong ko. Tinaas ko ang dagger akmang isasaksak na sakanya nang...
“Aaahhhh!” narinig kong sumigaw si Despair.
Sa pagkarinig ko ng sigaw nya ay parang nagising ako sa isang panaginip. Umikot ang paligid ko, nasa nagiaca na ulit ako. Napatitig ako sa taong tinututukan ko ng dagger.
“Blaise?!” gulat kong sabi. Umaapoy ang kaliwang kamay nya at nakatutok kay Despair. Nanatili ang tingin ng seryoso nyang mukha sakanya.
Sinusunog sya ni Blaise.
“Aaaahhh!” sigaw nya ulit. Dumating ang dalawang kapatid nya at may binato sa lupa, naglikha yun ng pag-sabog dahilan para mapatakip kami sa mata.
Pag dilat namin, wala na sila. Tumakas na.
“You were hallucinating,” napalingon ako kay Blaise nang mag-salita sya.
Ngayon ko lang napansin ang posisyon namin. Nakapatong parin ako sakanya habang naka-tutok ang dagger sa leeg nya. Sa gulat ko ay napatayo ako at binato ang hawak ko.
“The person you were about to kill was not Joanna but me.” sabi ni Blaise.
Yumuko ako. Ang akala ko ay hindi ako maiisahan ni Despair. Pero naisahan parin ako.
“I'm sorry,” nakayuko kong sabi. Lumapit sila Kera sa gawi namin.
“It's okay Stella. Wala ka sa sarili mo kanina,” sabi ni Bela.
“Kahit kami muntik nang hindi malabanan ang dark magic nila,” dagdag pa nya.
Lumingon ako kay Blaise. Dumudugo ang ilong nya, mabilis akong lumapit sakanya at hinawakan sya sa pisngi para tignan ng maayos ang mukha nya. Naramdaman ko namang medyo nagulat sya.
“M-masakit ba?” garalgal ang boses ko at malapit ng maiyak, muntik ko na syang masaksak.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pagnangyare yun. Umiling sya na may malalim na titig sakin.
“I'm fine,” sabi nya at umiwas ng tingin.
Nilagay nya ang dalawang kamay nya sa bulsa nya habang nakatingin sa malayo. Parang wala lang sakanya ang ginawa ko kanina.
“Dumudugo ang ilong mo, Bela pagalingin mo si Blaise.” nautusan ko si Bela ng wala sa sarili.
Agad namang lumapit si Bela at tinapat ang kamay sa mukha ni Blaise. Wala man lang syang reaksyon habang pinapagaling sya. Unti-unting nawawala na ang dugo at pasa na natamo nya sakin.
Nakatitig lang sakin si Blaise habang ginagawa yun ni Bela.
“Tapos na,” ngiting sabi ni Bela. Tumango ako.
“Salamat,” mahina kong sabi, Natahimik ako.
“Sayang nakatakas sila,” sabi ni Tob habang nakatingin sa direksyon kung saan sila tumakas.
“Pabayaan nyo na sila, maglakbay na tayo marami na tayong na sayang na oras,” biglang sabat ni Kera.
Tumango sila Jack. Naramdaman ko ang kamay ni Ice sa balikat ko.
“Wag mo nang isipin ang nangyare Stella, kailangan mong masanay dahil hindi lang yan ang mga makakasalamuha natin.” Tinapik nya ang balikat ko para pakalmahin. Ngumiti ako at tumango.
Nagsimula na kaming bumaba sa bundok. Hindi ko maiwasang mapalingon kay Blaise na bigla ding napalingon sakin. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil dun. Hanggang ngayon ba hindi maalis ang kaba ko sa nangyare?
Hindi na kami nahirapan makarating sa Village. Mas nakakapagod talaga ang pag akyat kesa pagbaba. Ang akala namin ay makakakita kami ng maraming tayo, pero wala man lang kaming nakita kahit isa sa pagpasok namin sa bayan.
“Nasaan ang mga tao?” takang tanong ni Mile.
“They're are just inside their houses,” malamig na sabi ni Blaise at nagpatuloy na sa paglalakad.
Parang ghost town ang lugar nato dahil napaka tahimik. May nakita pa kaming sirang tindahan, kalat-kalat ang mga paninda at nagkasira-sira ang mga gamit. Pumunta kami don at pumasok sa loob. May nakita kaming dugo sa sahig at may nakita din akong bahid ng dugo sa salamin, hugis kamay ito. Mukang sinubukang tumakas ng taong nagmamay-ari ng kamay nato. Sa kasamaang palad mukang hindi ito nakatakas dahil may mga dugo din sa sahig malapit sa salamin.
“f**k! anong nang-yare dito?” naiusal ni Jack sapagka gulat.
“Mukang hindi lang mga bata ang pakay nila, pati ang matatanda. Sa palagay ko din hindi na buhay ang mga nilusob nila dito dahil halos mapuno na ng dugo ang lugar,” mahinang sabi ni Tob.
“Kanina lang to nangyare,” dagdag nya pa.
“Akalain mong naisip mo yun,” panga-asar ni Kera na hindi tumitingin kay tob dahil nag lilibot din sya.
“Ganyan talaga pag-gwapo,” sabi ni Tob at seryosong nakatingin sa mga
sa sahig.
Wow! sa gantong tanawin nakakapag-asaran pa sila, pero parehas silang seryoso kahit naga-asaran. Pwede pala yun?
Lumabas na kami don dahil ang sangsang ng amoy.
“Kailangan na natin pumunta sa Guildhall nila, para makausap ang pinuno ng Tamero Village.” sabi ni Blaise at sumulyap ulit sa tindahan.
“I smell some dark magic. If we won't get there fast the Guildhall might be their next target,” gumawa si Blaise ng Fire Phoenix at sumakay don.
Nauna na syang umalis kaya agad kaming gumamit ng magic. Gumawa si Kera ng Air Eagle at dun sya sumakay kasama si Bela. Si Mile ginamit ang Speed nya. Si Jack pinag-kumpol-kumpol ang baraha para gawing carpet. Si Mike gumawa ng Earth Lion at si Ice gumawa ng Ice Bear.
Hindi ko pa nasusubukang lumipad, pero gusto ko din i-try ngayon. Pumikit ako.
“Let me fly up in the sky,” bigkas ko. Naramdaman kong may tumubo sa likod ko, nang lingunin ko to ay may puting pakpak nako. Para akong anghel.
“You look like an angel now, beautiful.” Puri ni Ice. Nilahad nya ang kamay nya sakin.
“Let me hold you, baka malaglag ka hindi kapa naman marunong lumipad,” ngisi nyang sabi.
Natawa ako. Hinawakan ko ang kamay nya at lumipad ako kasabay nang pagtakbo ngIce Bear nya. Medyo Hindi nga ako marunong lumipad pero dahil nakahawak ako kay Ice ay hindi ako nalalaglag. Hindi din nagtagal ay na kaya ko na din mag balance at hindi pagewang-gewang sa paglipad.
We reached the guildhall where the head of Tamero Village live, but Ice still hasn't let go of my hand.
Hanggang sa nakababa na kami.
“Ice, you can let go now,” sabi ko. Agad nyang inalis ang kamay nya at medyo natawa.
“Your hand is so soft, I got carried away.” naka-ngiti nyang sabi. Sabay kindat, napa-iling nalang ako.
Kumatok na si Blaise sa pinto, ilang sandali ay lumabas ang isang matandang lalaki na may hawak na tungkod. Medyo maliit sya, palagay ko ay hanggang balikat ko lang. Mahaba na ang balbas nya at kulubot ang balat.
“We are sent from magiaca academy to help your village,” pormal pakikipagusap ni Blaise.
Leader na leader talaga ang dating nya ngayon. Yumuko si Blaise at ganon din kami, para magbigay galang.
“You must be the S Class Wizards, I'm Master Hade, the head of tamero village.” sabi nya na medyo garalgal ang tinig dahil sa katandaan.
“Come inside,” pumasok na sya at sumunod kami.
Malawak ang Guildhall nila, mga dalawang palapag lang to pero malaki. May nakita din akong mga wizards na nage-ensayo sa gilid. Napatingin at napatigil pa sila nang dumaan kami.
Pumunta kami sa second floor kung nasaan ang opisina ni Master Hade.
“Pinadala ko na ang mga wizards sa guild nato, para kalabanin ang mga Wendigo.” panimula ni Master Hade.
Napatigil kami.
“Wendigos are the ones who's attacking your village?” gulat na sabi ni Bela.
Tumango si Master Hade. We all gasped. Wendigos are man eating monsters. I knew them when I was little, it always been told to me as a story not this kind of topic.
They have pale skin, thin bodies that can almost see their ribs, they also have deep eyes. They looked like human beings that haven't eaten food in years.
“O my gosh!” napatakip ng bibig si Kera sa nalaman.
“If my research about them is correct, a Wendigos appetite could never be filled. It will hunt a human until they couldn't find another,” sabat ni Mike at napaisip ng malalim.
“Every bite of a humans flesh it will just make them hungrier and hungrier,” dagdag pa nito.
“I thought there's no more Wendigos?” takang tanong ni Mile.
“May kinalaman na naman ang mga Dark Mage sa nangyareng ito,” bumuntong hininga si Master Hade.
“Nang malaman ng mga mamamayan ng tamero na ang mga Wendigo ang umatake ay hindi na sila umasang buhay pa ang mga batang nawala,” malungkot na sabi nya.
Natahimik kami. Parang nadurog ang puso ko, nandito pa naman kami para hanapin ang mga bata. Ano pa silbi namin kung... umiwas ako ng tingin at napatulala sa isang gilid ng office.
“Mukang wala na din kayong gagawin dito, hindi nadin ako umaasang mahahanap ang mga bata,” malungkot na sabi ni Master Hade.
“We saw a*****e that looks like it has been torn by a storm,” banggit ni Blaise.
Yung tindahan na nakita namin kanina muka nga talagang binagyo nung nadatnan namin. Isinandal ni Blaise ang dalawang siko nya sa tuhod nya at pinagdikit ang mga daliri habang nagi-isip ng malalim.
“It means that the Dark Mages wants all of you to be eaten by these creatures, it wouldn't be long that you might be next and the wizards inside this guildhall.” malamig na sabi ni Blaise.
“You're right young man. Kaya hindi kona pinapalabas ang mga wizards, ayokong maraming mapahamak sa bayan ko,” nahihimigan ko ang lungkot nya sa pinagda-daanan ng bayang kanyang sinasakupan.
“Don't worry we'll, help you bring back the peace in your village,” sabi ni Blaise.
Hindi ito kasama sa binigay saming misyon, palagay ko ay hindi kami papayagan pero kahit ano atang sabihin ni Master Hade ay si Blaise parin ang masusunod.
“But—” Blaise cut him. I guess this is a dangerous mission. Master Hade probably wants to demur the idea of letting us battle against the Wendigos.
“Let us Master, I know this is the first time we've encounter Wendigos but I'm sure that we can defeat them.” Blaise said without any hesitations.
Ito pala ang una nilang misyon na makakasagupa ang mga Wendigos. Bumuntong hininga si Master Hade, sa balita na natanggap namin ay nasa sampu ang mga batang nawawala at ngayon dumagdag pa na hindi namin alam kung ilan na ang nalagas sa bayan nila. Sa sitwasyon ngayon mukang madami na ang namatay.
“Alright I have fate in you and your friends.” Ngumiti kami.
BLAG
Halos mapatayo kami sa biglaang pagbukas ng pinto. Required bang balibagin pabukas ang pinto sa mundong to?
“Master Hade, Master Hade nilulusob na naman tayo!” Aligagang sabi ng babaeng pumasok.
Ang bilis nya kumilos parang si Mile. Isa din siguro syang Speed Wizard.
“Mika huminahon ka,” sabi ni Master at tumayo sa kinau-upuan nya.
“Saan ang lugar na nilusob," seryosong sabi ni Master Hade.
“North, west, south, east Ah! Hindi kona alam, buong bayan po ang dami nila.” Aligagang sabi ng Mika at kumukuha ng mga sandatang maaaring panglaban.
Napatingin si Master Hade samin at tumango, biglang tumakbo si Blaise palabas agad kami sumunod. Sa hindi kalayuan nakita namin kung pano lusubin ng mga Wendigo ang mga bahay.
Sa isang pikit mata ay nagka hiwa-hiwalay kami. Naiwan akong nakatayo at hindi alam kung saan pupunta.
“Tulong! tulungan nyo ko!” umiiyak na sigaw ng babae. May karga syang sanggol habang hinahabol ng Wendigo.
Ako lang ang nakakita sakanya kaya ako na ang tumulong. Nakita ko din na may kanya-kanyang nililigtas sila Blaise.
BLAG
Nang palapit ako sakanya ay bigla syang napatid. Agad akong lumapit at hinawakan ang kamay nya para tulungan tumayo.
“Aaahhh!” Nagulat ako nang biglang kinagat ng Wendigo ang paa nya hanggang sa unti unti na nitong kinakain. Gusto kong takpan ang tenga ko dahil naririnig ko ang pagnguya nya sa laman ng babae.
“Aahhhh!” walang tigil ang sigaw nya halos mataranta ako.
“Light Whip!” agad akong gumawa ng latigo at hinampas-hampas ang Wendigo.
Pero wala man lang nangyare. Nanginginig ako habang hawak ang kamay ng babae at pilit pinapatigil ang Wendigo. Patuloy lang sya sa pagkain at walang pakealam. Halos masuka ako dahil kita na ang buto ng babae. Wala na akong ibang maisip na paraan kaya naglabas ako ng susi.
“Gate of the—” hindi ko inaasahan ang isang malakas na pag hawi sa kamay ko ng Wendigo dahilan para tumilapon ang susing hawak ko. Nalaglag yun sa lupa at nawala ng parang bula.
Napamaang ako habang tinignan ang kamay kong kanina lang ay may hawak na susi.
“Leave me, and save my daughter,” naiiyak na sabi nya.
Napalingon ako sakanya. Nilahad nya ang sanggol na walang tigil sa pag-iyak.
“Ilayo mo sya dito… Aaahhh!” napa-atras ako ng binutas ng Wendigo ang likod nya para kunin ang puso nito para kainin.
Napayakap ako ng mahigpit sa sanggol sa nasaksihan.
“Save her,” huling sabi nya at tuluyan ng pumikit.