Agad na ipinarada ni Jared ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Kabado, tanging pag-iyak ni Lyza ng malakas lang ang maririnig sa loob ng kotse. Sinubukan niyang maging tahimik na lang dahil natatakot siyang baka may masabi pa siyang mas makakasakit dito. Pero sa huli mas nasaktan papala niya ito. Agad na lumabas si Jared ng sasakyan niya, mabigat ang bawat hakbang nito habang umiikot na parang tanga sa sasakyan. Bago binuksan niya ang pinto sa passenger side kung saan nakaupo si Lyza ng mapatapat siya roon. Hindi siya nagsalita. Basta inilapit lang ang katawan, saka marahang iniabot ang kamay ng asawa na patuloy ang pag sigok sa pag-iyak. "Halika ka dito," aniya. Nag-aalangan si Lyza, pero sumunod din na bumaba ng sasakyan. Nang makatayo siya sa tabi ng kalsada, agad siyang hinila ni Jar

