"Babe… are you still mad?" tanong ni Jared habang nag dadrive ito na personal pa siyang sinundo sa school dahil medyo late siyang umuwi dahil meron pa silang tinapos na project sa school. Mula ng sumakay siya sa roll royce ng asawa, hindi na siya kumibo o nag hi dito. Basta pumasok lang siya sa passenger seat ng buksan nito ang pinto para sa kanya na nakita pa ng mga studyante na kinilig. Nag crossed arm lang siya at hindi ito pinansin ng ito pa mismo ang nag kabit ng seatbelt niya at subukan siyang halikan. Binigyan niya ito ng pamatay na tingin na ikinatikom ng bibig nito na bumalik na sa driver seat at nanahimik na lang muna sandali pero later on habang nasa biyahe na sila nag simula naman itong pilitin na kausapin at kulbitin siya saka hawakan. "I didn’t say I was mad." sagot

