Tahimik si Jared sa passenger seat na naka-sunglasses kahit hindi maaraw. Naka-coffee tumbler habang nagtatype ng notes sa phone habang papasok sila sa school. Sa likod, nasa gitna si Lyza na parang referee sa dalawang makukulit—Jael and Jace at nag rereview ng note nito sa notebook. "Jael, 'wag mong takpan 'yung bibig ng kapatid mo habang kumakanta—hayaan mo siya." sawat ni Lyza sa anak na hindi lumilingon sa dalawa na nasa likuran niya. "Ang ingay kasi, Ma! Sintonado eh! Nakakabasag ng eardrums." awang naman ang bibig ni Jace na bahagyang itinulak so Jael. "At least ako maraming talent! Hindi tulad mo, sa drawing lang magaling."Irap ni Jace. "Drawing? Excuse me, mas mataas ang grade ko sa math at nasa ranking ako." yabang pa ni Jael, sabay pang napalingon si Jared at Lyza sa anak

