Kabado si Lyza habang pababa sila ng isang limousine, bumalik na nga sila ng Manila pero may kailangan naman silang umattend ng isang ballroom gathering na dapat lolo nito ang aattend pero since nasa ibang bansa ito ang representative ng mga La Huerta. Ayaw sana niyang sumama dahil hindi naman siya sanay sa sosyalan dahil jolog siya talaga sa tunay na buhay. Kaya lang niyang kumilos ng pino base sa pinag-aralan niya pero ang mag panggap na mayaman hindi niya kaya. Mayaman man ang papa niya hindi naman niya naging buhay ang karangyaan.
"Ang lamig ng kamay mo." ani Jared ng hawakan nito ang kamay niya ng alalayan siya nitong bumaba.
"Kinabahan ako baka mapahiya ka dahil sa akin, sabi ko naman kasi sa'yo wag na akong sumama."
"Your beautiful that's more than enough." wika ni Jared na ikinangiwi naman ni Lyza. Well maganda naman talaga biruin mo ang halaga ng damit na suot niya na blood-red, backless gown na napakasimple lang naman talaga kung titingnan e halaga na ng isang magandang 2nd hand na kotse. At kung pag sasama-samahin ang outfit niya from head-to-toe baka makapag patayo na siya ng isang malaking bahay. Hindi pa kasama ang isang set ng diamond jewerly na isinuot sa kanya ni Jared kanina habang nasa biyahe.
Muntik na umawang ang labi ni Lyza ng pumasok sa hotel kung saan gaganapin ang isang party ng mga tunay na elite. The ballroom glitters with chandeliers and murmurs of Manila’s elite. Pakiramdam niya any moment may lalait sa kanya habang nakatingin sa kanya ang lahat ng tao roon.
"Just smile." bulong ni Jared habang naka hawak siya sa braso nito na napaka guwapo din sa suot nitong itim na tuxedo para itong isang tunay na prince charming. Agad siyang ngumiti na ikinalingon pa ni Lyza kay Jared dahil tumawa ito ng may tunog kaya inis na pasimple niya itong kinurot sa braso.
"Ano ba talaga mag wawalk-out na ako dito promise."
"Don't overdo it at wag lahat ngitian mo, yung iba taas mo ng kilay." tumaas naman ang kilay talaga ni Lyza na napalingon kay Jared.
"Ano ako royal royal blood? Ang lamok nga patay kapag sumipsip ng dugo ko tapos gusto mo taasan ko ng kilay ang mga kauri mo. Daig ko pa nun adik." muling tumawa naman si Jared sa ibinulong ni Lyza.
"Nagawa mo nga sa akin at sa tita at mga pinsan ko sa kanila pa kaya na hindi mo kakilala." sabagay may point naman ito kaya hindi na siya nag side comment pa at huminga na lang ng malalim. Lyza walks in on Jared’s arm, stunning in a blood-red, backless gown. Every step she takes makes jaws drop. She’s poised, confident and absolutely glowing. Narinig pa nila ang bulong ng ibang na dadaanan nila.
"Siya ba ‘yung asawa ni Jared La Huerta?"
"Mas maganda pala in person…"
"Akala ko trophy wife lang. She’s slaying."
"Akala ko mga taga elite society sila pero bakit mga nag tatagalog at tunog mga tsimakers sa kanto Sta. Mesa." bulong ni Lyza na ikinangiti naman ni Jared na dumikit sa asawa na hinawakan sa bewang saka nag smile sa harapan ng mga photographer na sumalubong sa kanila.
"Smile, Mrs. La Huerta. The whole city’s watching." bulong ni Jared sa tenga niya na parang nag dala ng kilabot sa buong pagkatao niya hanggang kaluluwa ng bahagyang dumikit ang labi nito sa tenga niya.
"Don’t worry, babe. I was born for the spotlight.. charrr." ani Lyza na ngumiwi muna bago ngumiti na napahawak sa tenga niya sandali. Halos masilaw naman si Lyza sa maraming flash ng camera na nakatutok sa kanila ni Jared ganito pala ang mga elite kahit hindi artista ang daming camera na nag fa-flash.
"Sir Jared! Ma’am Lyza! One with a kiss, please!" utos pa ng isang photograher. Pakiramdam ni Lyza nanigas siya bigla sa request ng photographer. Napasinghap pa si Lyza when Jared just slides a hand around her waist, pulling her closer like it's the most natural thing in the world na palunok siya na napatingin kay Jared bago sa labi nitong naka lip gloss pa talaga.
"Jusko lord, supsupin ko ba?" sigaw ng isip ni Lyza.
"Akala ko pretend lang ‘to, Jared—hindi kasali ‘yung PDA!" bulong niya sa asawa.
"I wanted to look convincing, sumakay ka na lang." He brushes her hair behind her ear, his fingers barely grazing her skin. Pakiramdam ni Lyza dinig na niya ang kalampag ng puso niya habang lumalapit ang mukha ni Jared sa kanya at hindi niya alam kung pipikit ba o nganganga.
"Trust me." bulong pa ni Jared bago tuluyan na lumapat ang labi nito sa labi niya. Not too fast. Not too slow. Just… enough. Their lips meet — soft, warm, unhurried. The kind of kiss that starts fake but lingers just a bit longer than it should. Agad na nag kislapan ang lahat ng camera habang magkalapat ang labi nilang dalawa. Buti na lang pinag paparlor siya ni Jared kundi baka mag alala siya kung anong hitsura niya habang hinahalikan siya ng isang billionaryong lalaking ito. At ng maramdaman na ang dila ni Jared pasimple na niya itong itinulak na ikinangisi pa ni Jared na pinahid pa nito ang labi niya ng thumb finger nito na parang sayang-saya. Habang siya ay hindi niya maintindihan kung na iihi ba siya o kinikilig, puwede kayang both.
"You kiss like it’s your job." bulong pa ni Lyza.
"Well, I am your husband comes with the title." kindat pa nito then inalalayan na siya nitong mag tungo sa table na naka laan sa kanila. Parang bigla gusto niyang uminom ng malamig na tubig para pakalmahin ang pusong nag wawala dahil tingin niya mag cocollapse siya anytime soon.
"Are you okay?" bulong pa ni Jared ng naka-upo na sila, nakatingin sa kanila ang lahat ng mata at nag papatay malisya na lang siya na hindi pinapansin ang mga ito.
"Next time, warn me. My knees almost buckled." tumawa naman si Jared na pinsil pa ang ilong niya.
"That’s funny. I thought I was the one feeling that way." Na ningkit naman ang mata ni Lyza na nilingon ang asawa na nakangiti lang na nakatitig din sa kanya na naningkit din kunwari ang mata at ginaya siya.
"You’re flirting."
"I’m married." ngumiti naman si Lyza.
"To me. Temporarily." bulong ni Lyza, lumapit naman si Jared na halos halikan nanaman siya.
"Then I better make every moment count." napalunok naman si Lyza naririnig ni Lyza ang salita ng host ng event pero pakiramdam niya wala siyang na iintindihan sa sinasabi. Nakatitig lang siya kay Jared na nakangiti naman sa kanya.
"If you kiss me like that again, Jared… I might actually fall." usal pa ni Lyza na hindi kumukurap.
"Then fall. I’ll catch you, don't worry." seryosong sagot naman ni Jared ngumiti naman si Lyza ng matipid sabay buga ng hangin after ipaalala sa sarili na hindi siya puwedeng mag fall dahil 3 months lang siyang magiging asawa nito dahil hindi naman siya si Melissa Enriquez.
"You’re dangerous." nag kibit balikat naman si Jared.
"You married dangerous, sweetheart." bulong pa nito na mabilis siyang ninakawan ng halik sa labi na mabilis naman niyang hinampas sa balikat na ikinangiti lang nito.
-
-
*********
"Jared, darling! It’s been too long. You haven’t changed at all." bati ng isang sosyal na babaeng lumapit sa kanila habang nakatayo at may kausap si Jared na isang importanteng tao daw at ipinakilala pa talaga siya nito bilang asawa. Agad naman nag excuse ang matandang lalaki na kausap nila kaya silang tatlo na lang ang naiwan na mag kakaharap at hindi niya bet ang datingan ng babae.
"Claudine." usal lang ni Jared na nakipag beso-beso sa babae sabay tingin sa kanya after itong yumakap sa kaliwang braso ni Jared.
"And this must be your… wife?" usal pa nito na tinaasan siya ng kilay. Inis na ngumiti naman si Lyza ayaw niya sa lahat yung ganong tono na para bang sinasabi ah siya pala ang aso mo... nakakairita kaya yun.
"Correct. Wife. As in, Mrs. La Huerta. And you are…?" halatang nagulat ang facial expression nito sa timbre din ng boses niya na sinadya niyang artehan at tarayan.
"Oh! I’m Claudine. Jared and I go way back." ngumisi naman si Lyza na pasimpleng hinila si Jared na napangiti ng bahagya ng ilipat niya ito ng puwesto kaya napabitaw bigla ang babae sa braso ng asawa.
"Nice. I’m the future he chose. Hope that doesn’t sting." halatang napahiya naman ang babae na agad na pilit na ngumiti na nag excuse na na nag kunwari na may nakitang bagong kakilala.
"Remind me never to get on your bad side." Nag kunwari naman umirap si Lyza pero ngumiti.
"What? I was being polite."
"Polite with a knife behind your back." biro naman ni Jared,
"You like it."
"Too much." ngumiti naman si Lyza na humarap sa asawa at nag kunwari na inayos ang bow tie nito sa collar ng tuxedo nito.
"Careful. We said three months."
"You’re the one who put an expiration date on this." bulong naman ni Jared na nakatitig sa magandang mukha ni Lyza. Tumikhim naman si Lyza na umiwas na ng tingin rito.
"Well… you’re rich. You can afford extensions."
"What if I don’t want it extended? What if I want it… permanent?"
jusko naman Lord... utang na loob wag naman ganito kahirap... konting-konti na lang mag kakasakit na ako sa puso nito e. Pakiramdam ni Lyza hindi na normal talaga ang t***k ng puso niya natitiyak niya bago pa matapos ang 3 months duration niya bilang Melissa Enriquez meron na siyang iniinom na beta blocker na gamot. Kinuha ni Jared ang kamay niya at hinalikan iyon.
"Stop making me feel things I’m not supposed to feel." saway niya kay Jared.
"Then stop looking at me like you already do." ngiti nito na kung wala pang lumapit sa kanilang dalawang matandang lalaki baka hinalikan nanaman siya ni Jared at nag pahalik naman siya.
-
-
-
-
Nag paiwan na si Lyza sa mesa nila after nilang kumain dahil ang sakit na ng paa niya sa stiletto na suot niya mula pa kanina, habang si Jared ay marami ng kinakausap mula pa kanina. Kung kani-kanino na siya ipinakikilala na iilang na siya kaya nag dahilan na lang siya na sa mesa na lang siya dahil na ngangawit na ang binti niya kakatayo.
"One dance, Mrs. La Huerta?" napalingon naman bigla si Lyza ng marinig ang boses ni Jared ng tumabi sa kanya.
"Sorry I can't, sakit na talaga ng paa ko baka hindi na ako makalakad mamaya." tangi niya sa asawa, ngumiti naman itong sinilip ang paa niya sa ilalim ng mesa na talagang naka hubad na siya ng shoes niya.
"Ako ang bahala." napaisip naman si Lyza sabay buga ng hangin.
"Okay! Just one?"
"Unless you want forever." ngiting biro ni Jared at bago pa maisuot ni Lyza ang sapatos niya napasinghap na lang siya ng buhatin siya ni Jared na ikinalingon sa kanila ng lahat ng guest na mga nagtataka. Nang una nag blush at nahiya talaga siya pero pag dating nila sa gitna ng dance floor at ibaba siya ni Jared at inutusan na tumuntong daw sapatos nito. Grabe yung kilig na naradaman niya pakiramdam niya wala ng ibang tao sa paligid kundi sila na lang dalawa ng asawa.
Mag pabuntis na lang kaya ako sa kanya. bulong niya sa isip niya habang nakatung-tong na siya sa ibabaw ng paa nito habang nag sisimula itong isayaw siya. Nakayakap ito sa bewang niya at siya naman ay naka yakap sa batok nito.
"You’re really trying to win this game, huh?" bulong ni Lyza na tipid na ngumiti habang nakatitig kay Jared.
"Who said this was a game anymore?" bulong ni Jared na mas hinapit siya sa bewang habang magkahinang na ang mga mata nila habang nanunoot sa damdamin nila ang kanta na tumutugtog ngayon. I've Fallen For You at mukhang tumatagos sa kaluluwa ni Lyza ang bawat lyric ng kanta. They glide to the dance floor, fitting together perfectly. Eyes locked. Everyone watches — but it doesn’t matter. For a moment, there are no lies. No fake deals. No time limits just them.
"Just tell me when you fall... I probably catch you no matter what." wika ni Jared na ikinalunok na lang ni Lyza ng laway niya habang pabilis ng pabilis ang t***k ng puso niya.