Not So Simple Wife Life

2454 Words
"I'm bored? Kelan tayo babalik ng Manila, malapit ko ng bilangin yun." nag mamaktol na bulalas ni Lyza ng pumasok ito ng kuwarto galing sa labas. Natawa naman si Jared ng sundan ng tingin ang asawa na parang nag swi-swimming sa kama na itinuro ang isang malaking painting na nasa pader na puro bubbles na malaki at maliit. "Malapit na akong matapos dito sa mga inaayos ko babalik din tayo ng Manila, maybe tomorrow or the day after tomorrow." sagot naman ni Jared. "Ahhh sa wakas, miss na miss ko na ang mama ko! Tiyak inaapi nanaman yun sa bahay hay kainis lang talaga." bulong ni Lyza ng maalala ang ina na naiwan na mag-isa sa bahay nila na katabi mismo ng bahay ng ama niya. Matagal na niyang gustong umalis sa bahay ng ama niya. Kahit sabihin pang naka bukod sila ng ina niya nasa loob pa rin naman sila ng compound ng ama, to make the story short dating girlfriend ng papa niya ang mama niya at nag kahiwalay ang mga ito dahil sa asawa ng ama ngayon na si Tita Melinda. Nabuntis ng papa niya si Tita Melinda niya pero hindi nito pinakasalan si Melinda, ang mama niya ang inalok nito ng kasal ngunit hindi natuloy ang kasal ng dalawa dahil nagalit ang mga lolo at lola niya ng buhay pa. Pinilit ang ama na pahiwalayin sa ina niya at para hindi daw pag initan ang mama niya lumayo ang ama niya at iniwan ang ina niya. After 2 years bumalik ang ama at nag kabalikan ang dalawa not knowing kasal na pala ito kay Tita Melinda niya. Nalaman ng ina buntis na daw ito sa kanya sila ang pinili ng ama at handa nitong iwan si Melinda. Pero sa kasamaan palad namatay ang lolo at lola niya. Nag hirap ang pamilya ng Papa niya at ang pamilya ng Tita Melinda niya ang tumulong sa ama. And to make the story short pumayag ang ina niya na mag share na lang ang mga ito sa iisang lalaki. Naging sunod-sunuran naman ang ama niya kay Tita Melinda niya since ito na talaga ang may pera kaya naka bangon ang company ng ama niya. Kaya ang Tita Mel niya ang may sa lahat ng pera at hinaharang nito ang lahat ng sustento sa kanila. Nag pakatulong ang ina para lang mapag-aral siya sa magandang university at pinangako naman niya sa ina na iaalis niya ito roon once na may trabaho na siya. Then nagkasakit na ang mama niya breast cancer at ang papa niya wala man lang magawa para ipagamot ang ina niya. At para lang maipagamot ang ina pumayag siya sa set-up na ito. Mag pakasal sa isang matandang malapit ng mamatay sa loob ng 3 months pero it turns out napaka healthy ng lalaking napangasawa nya at mukhang ang puso na niya ngayon ang hindi healthy dahil masyado na itong pa fall. "Puwede mo naman kunin ang mama mo at isama sa atin sa bahay okay lang sa akin." bigla parang spring na nakatalon sa kama si Lyza na ikinagulat pa ni Jared na napamura ng mahina ng inakalang mahuhulog si Lyza sa kama sa pagtakbo papalapit sa kanya. "Jesus Christ! Lyza, don't do that again. You're giving me a heart attack." wika pa ni Jared na nagagalit pero hindi naman pinansin ni Lyza. "Puwede natin isama ang mama ko sa bahay mo?" "Oo, bakit parang hindi ka makapaniwala." "E kasi... sige kakausapin ko si Mama, magaling yung magluto. Saka magaling din siyang mag laba tutulungan ko siya para naman hindi nakakahiya sa'yo na _______." "Wait! Wait! Wait!" wika ni Jared na tinakpan ang bibig ng asawa na nasa harapan niya na ang bilis ng bibig na halatang excited talaga. "She's my mother in law bakit ko naman siya gagawin na katulong sa bahay natin?" "Eh kasi nga hindi mo naman tala____." bigla natigilan si Lyza ng marealize ang muntik na niyang sabihin. Bigla bumagsak ang balikat niya ng maalala ang lahat. Bigla parang tinatamad na bumalik sa kama sa Lyza saka dumapa, hindi pala alam ng mama niya na naging substitute bride siya ng ate niya. Tiyak na magagalit ito sa ginawa niya kahit pa sabihin niya na ginawa lang niya iyon para makahingi ng pera sa ama niya pang pa chemo nito. "What's wrong anong problema mo nanaman?" tanong ni Jared. 'Wala! Wala! Wag mo na lang akong pansinin.. sige na tapusin mo na yan ginagawa mo." tamad na sagot niya ng may kumatok naman sa pinto ng silid nila saka sabay pasok ni Manang Aida. "Sir Jared, andito na po sila." kumunot naman ang noo ni Jared na patingin dito. "Sinong sila?" "Si Tita Cornelia mo po at mga pinsan n’yo Sir. Wala pong pasabi nagulat lang din po kami." wika pa ni Aida, inis naman na pinaalis na ni jared ang mayordoma. Sabay tingin kay Lyza na halatang wala na sa mood pero bigla napangiti. Tiyak ang lolo niya ang nag papunta sa pamangkin nito sa mansion para inisin siya. "Perfect. Sabay pa sa PMS ng asawa ko." bulong ni Jared na tumayo at tumabi kay Lyza na pinalo pa sa puwet na ikinasimangot nito pero hindi nag salita. "Can you be a bratella overload." "Why?" "I need a wife who can act spoiled rich girl na hindi kayang payukuin ng kahit sino." "Wala ako sa mood humarap sa angkan mo. Masama ang loob ko kaya goodluck sa'yo." "1 million." usal ni Jared na ngumisi na biglang ikinadilat ng mata ni Lyza na lumingon kay Jared. "Anong 1 million?" "1 million for you to shoo them." napabangon naman si Lyza na nakaluhod sa kama. "Ayokong isipin mo na mukha akong pera." wika pa ni Lyza na gustong tawanan ni Jared na tumayo at nag tungo sa mesa niya. "Tutulungan kita kasi bukal sa loob ko kasi syempre asawa kita." napatingin naman si Lyza sa isang papel na naka-umang sa harapan niya at nakasulat ang buo niyang pangalan at amount na 1 million. "Post dated cheque ba to o good as cash?" tanong pa ni Lyza na hindi nag tataas ng tingin habang nakatitig sa cheque habang pigil na pigil ni Jared ang matawa. "Good as cash my dear wife." "Anong gusto mong isuot ko? Tara ituro mo." mabilis na bumaba ng kama si Lyza na talagang tinawanan na ni Jared ng hindi na mapigilan. - - - - - - "Jared, hijo! We came to finally meet… her." malakas na wika ng Tita Cornelia niya habang pababa sila ng hagdan ni Lyza na akala mo aattend ng Famas Awards dahil sa red dress na suot nito. Hindi na niya ito masyadong pinag make-up ng makapal simpleng red na red na lips stick at konting mascara at eye liner lang para patapangin at pa maturin ang mukha ng asawa. "She has a name, Tita and a legal last name, in case you forgot. Mrs. La Huerta?" pag tatama pa ni Jared. "Hi! Sorry we're late. I was busy not caring." matalas ang dila na wika ni Lyza na parang gustong tawanan ni Jared. "So… ikaw pala si Melissa." nakataas ang kilay na turan ni Bianca. "Ako nga but I prepared Lyza only. And ikaw si…?" "Bianca. Jared’s cousin." taas kilay na sagot nito. "Ahh. That explains the attitude." malakas naman na tumikhim ang ina nito na katabi. "So… how did this all happen? Everything was so fast." "Well, your nephew proposed. I said yes. Nagpakasal kami. The end. Walang cliffhanger." ani Lyza na tumingin pa sa fake nails na si Jared pa ang inutusan niyang mag dikit kanina na tuwang-tuwa pang mag dikit dahil meron daw palang ganun kuko. "Daming chismis sa labas. Some say whirlwind romance, some say shotgun…" sabat naman ng isang lalaki na sarap ng upo sa single sofa. Pagak naman tumawa si Lyza na tumingin rito. "Chismiso din kayo e? Cute. Want me to confirm or deny over merienda?" tanong ni Lyza, napatingin naman si Jared sa asawa na meron talagang pagkamaltida na parang normal na normal dito na mang buwisit. Mukhang talent nito ang mang-asar ng living things. "Hindi lang kasi kami sanay sa ganito. Our family has a standard." wika pa ng tita niya na hindi niya nagustuhan lalo na ang paraan ng pagtitig nito sa asawa niya. "Good thing I’m not here to meet your standards. I’m here to raise them." na ikinatameme ng mga ito pati ang pomerian na aso na hindi na siya tinatahulan napatingin na lang sa kanya habang masarap ang tulog sa gilid ng sofa. "How long do you plan to stay married, if I may ask?" "Forever. O hanggang maubos ‘yung pasensya ni Jared, whichever comes first." ngiti pa ni Lyza sabay kuha ng braso ng asawa at iniakbay sa balikat niya. "Bakit parang gusto n'yong mag hiwalay kami ng asawa ko Tita Cory? May problema ba tayo?" malamig na tugon ni Jared na masama ang tingin rito na agad naman ngumiti ang ginang. "But Jared—" "I chose her. I married her. If you can’t respect my wife, don’t bother visiting again." malamig na utos ni Jared sa mga ito. Napatingala naman si Lyza na napalingon kay Jared na nilingon din siya sabay ngiti na niyaya na siyang tumalikod at hindi man lang nag paalam sa mga ito. "Wow! You didn’t even flinch." ani Lyza habang pa-akyat na ulit sila sa taas at hindi na pinansin ang pag tawag sa kanila ng ginang. "You think I’d let anyone talk down to my wife?" napa o naman ang bibig naman ni Lyza. "Say that again." utos ni Lyza na kumunot ang noo ni Jared na napapangiti. "My Wife." bigla parang kinilig si Lyza na inalis ang kamay ni Jared sa balikat niya. "Kinikilig ako, gago ka." bulong ni Lyza habang nauna ng umakyat habang tatawa-tawa na lang si Jared. - - - - - - Inihagis ni Jared ang towel na ginamit na pang tuyo sa buhok at napalingon sa buong silid niya. Asan kaya ang makulit niyang asawa. Sa guestroom kaya ito matutulog? Kanina lang iniwan niya itong nag lalaro ng cellphone nito sa kama. Simpleng white t-shirt at black na pajama na nga lang ang isinuot niya para naman wag itong ma eskandalong masyado kahit hindi siya sanay matulog ng balot na balot. "Three months daw, huh… Ang lakas mang-bala pero hindi_____." hindi natapos ni Jared ang sasabihin ng bumukas ang pinto at pumasok si Lyza na naka simangot. Hindi nita maintindihan ang suot nito t-shirt ba na malaki o dress na hanggang tuhod nito at may mickey mouse. Ang buhok nito naka messy buns sa tuktok mismo ng ulo nito kaya sabog-sabog ang dating. Yung ibang babae pilit na pilit mag paganda bago humarap sa kanya pero ito naman si Lyza parang walang paki-alam kung mukha itong ewan. "Awww. Look at you, a domestic daddy realness." wika pa nito na tiningnan siya mula paa hanggang ulo na itinuro pa talaga siya. "At least ako, hindi nagmumukhang extra sa sardines commercial before bed." tumikwas naman ang nguso ni Lyza. "Well, excuse me for not wanting to sleep beside someone looking like a sexy lumberjack." natawa naman si Jared. "Aminin mo na lang. Hindi ka makatulog pag wala ako sa tabi mo." umikot naman ang mata ni Lyza. "Relax. You’re not my melatonin. Ayaw lang nilang buksan yung aircon sa guestroom sira daw, apaka damot." ani Lyza na umakyat na sa kama at nahiga sa puwesto niya kagabi. Sabay lagay ng mga extra pillow sa gitna ng kama. "Okay, ground rules: You stay on your side. No spooning, No surprise cuddles, No morning greetings from your… sunrise soldier, okay?" pagak naman na tumawa si Jared na napapailing. "You talk a lot for someone who almost fainted when she touched it this morning glory." kunwari naman nagulat na natuptop ni Lyza ang bibig bago naningkit ang mata. "That was an ACCIDENT. Don’t flatter your ego—or your… anatomy." "But you didn’t let go right away. Am I wrong?" inis naman na dinampot ni Lyza ang isang unan at ibinato kay Jared na sinalo lang. "Stop!" natatawa na lang na saway ni Lyza na muling nahiga patalikod dito ganun din naman si Jared na nakatihaya naman na nakatingin sa kisame. Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "You were good today with my relatives." umikot naman ng higa si Lyza paharap kay Jared. "Hindi mo naman siguro babawiin yun ibinigay mo sa akin?" ngumiti naman si Jared na lumingon saglit. "Of couse not! I liked what you did. You didn’t shrink. You didn’t try to impress them. You just… were you." ani Jared. "That’s the only thing I know how to be." s**o ni Lyza na pumikit na. "Why you agree to this, Lyza? Really." "Hmmm! Maybe I just wanted to prove that I’m more than what people assume. Na hindi lang ako ‘influencer-looking.’ That I’m worth something… kahit hindi planado." sagot ni Lyza na hindi na nag dilat ng mata, tumagilid naman ng higa si Jared paharap sa asawa. "You are." bigla napadilat ng mata si Lyza at nag tama ang paningin nila ni Jared na halos wala ng isang dangkal ang layo ng mukha nila. "Ugh. Don’t get soft on me, La Huerta. Nakakawala ng gana ‘yan." ani Lyza na iikot sana ng higa ng pigilan ni Jared na nakangiti. "Too late. I already said it." napalunok naman ng laway si Lyza. Ito nanaman ang pa heart failure na dulot ni Jared kainis lang talaga. "I’m sleeping. Ignore me." muling pumikit si Lyza. "You know you don’t have to act tough all the time, right?" "And you don’t have to act cool all the time either." "But thanks… for earlier for defending me." muling nag dilat ng mata si Lyza. "I meant what I said. There’s no agreement, no three-month contract, just one document that matters." "The marriage certificate." Ani Lyza na halos bulong na lang habang napapatingin sa labi ni Jared. "You’re already mine, Lyza. Kahit ayaw mo man." "Then I guess you better ___." hindi natapos ni Lyza ang sasabihin ng makitang nalapit ang mukha ni Jared sa kanya kaya bago pa nito maituloy ang binabalak. Walang sabi-sabi na ngumanga si Lyza at literal na hiningahan sa mukha si Jared na napapikit habang na papangiti na lang. "Oooppps! Hindi ko kasi ugaling mag toothbrush tuwing gabi... 3 beses lang talaga sa isang linggo akong mag toothbrush sa gabi. Mr. La Huerta." "Amoy toyo at kalamansi ang hininga mo." ani Jared na napapailing na lang na tumihaya ng higa. "Goodnight, Jared." "Sweet dreams… Mrs. La Huerta." They're inches apart, still separated by the pillow — but emotionally? The gap is starting to close.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD