“Miss Ramirez, I want a cup of tea in my office now,” pormal at may awtoridad na utos ni Llewyn kay Paprika kinaumagahan. Medyo late na naman s'yang nakapasok dahil madaling araw na yata silang nakauwi ni Llewyn matapos ang “meet in private” session nila nito. Agad na nag init ang pisngi n'ya nang maalala ang mga nangyari sa kanila noong nagdaang gabi. Hindi n'ya akalaing bibigay na naman s'ya sa mga pang aakit nito sa pangalawang pagkakataon! Halos hindi na s'ya patulugin nito sa kakalambing sa buong magdamag! Kumunot ang noo n'ya at nag angat ng tingin kay Llewyn na kalalabas lang sa sariling opisina nito. May mga naiwan pa kasi itong mga trabaho dahil hindi ito nakapasok sa opisina kahapon kaya doon na muna ito sa opisina nito ngayong araw kaya nagtataka s'ya kung bakit biglaan na nama

