“Here… drink this, Hunny…” Tulala pa rin si Paprika matapos ang insidenteng iyon sa pagitan nila nilang tatlo nina Adeline at Llewyn. Nilingon n’ya ang basong inaabot ni Llewyn sa kanya at dahan dahang inabot ‘yon. Nanginginig pa rin ang mga kamay n’ya matapos ang mga narinig n’yang sinabi ni Adeline. She was too shocked to even digest those information at one go. Kanina ay nangingibabaw ang galit n’ya kaya hindi n’ya magawang isipin ang mga posibilidad na maaaring totoo ang mga sinasabi ni Adeline. Ngayon nga na maayos na ang t***k ng puso n’ya at hindi pinapangunahan ng galit ay kakaibang kaba at takot naman ang pumalit sa nararamdaman n’ya. There’s a lot of what ifs that are running through her head. Narinig n’ya ang buntong hininga ni Llewyn habang inaalalayan ang kamay n’ya sa paghaw

