“You came early. I thought, mamaya ka pa pupunta?” Mula kay Llewyn ay nabaling ang tingin ni Paprika kay Jarvis nang magsalita ito. Litong lito s’ya at gulat na gulat sa biglaang pagdating ni Llewyn sa opisina nito. Kung alam lang n’yang pupunta ito doon ay hindi na lang sana s’ya pumunta doon at tinawagan na lang sana si Jarvis para makausap! Halos mapako s’ya sa kinatatayuan nang muling mabaling ang tingin ni Llewyn sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin n’ya ang pasimpleng panunuri nito sa kabuuan n’ya. Bigla s’yang nanlamig at nakaramdam ng panginginig ng tuhod dahil sa paraan ng paninitig nito sa kanya. It felt like the very first time that she saw him. Ganoon na ganoon ang naramdaman n’ya noong unang beses s’yang titigan nito matapos nitong magising kinabukasan pagkatapos ng gabing

