Sumapit ang Lunes na ipinangako ni Paprika na babalik na s’ya sa trabaho pero matapos ang pangyayari at mga rebelasyon noong anibersaryo ng RD Pharma ay parang gustong magbago ng isip n’ya. Kaya naman tamad na tamad s’yang bumangon ng umagang iyon bukod pa sa sobrang pamimigat ng katawan n’ya. Inaantok pa s’ya at tamad na tamad pa sanang bumangon pero alas syete na at kailangan n’ya pang maghanda para sa umagahan nila ni Pete. Kinusot n’ya ang mga mata at nag stretch bago tuluyang bumangon para tumuloy sa banyo at makaligo. Iniisip pa lang n’ya ang mga mangyayari sa opisina ay parang ayaw na talaga n’yang pumasok at piliin na lang na matulog maghapon. Kung kailan naman kasi tapos na ang bakasyon n’ya ay saka naman s’ya sinasarapan ng tulog. Matapos makapagbihis ay tumuloy na s’ya sa kusi

