Ang isang linggong leave sa trabaho ni Paprika dahil sa insidenteng nangyari sa kanya at kay Llewyn ay naging dalawang linggo dahil halos dalawang linggo na s'yang hindi pinapatahimik ng mga nalaman n'ya mula nang lumabas s'ya sa ospital. Nakailang balik na rin sina Daniella sa unit n’ya para kamustahin s'ya at tanging sinasagot lang n'ya sa tuwing magtatanong ang mga ito kung kailan s'ya babalik sa trabaho ay hindi n'ya pa alam. Idinadahilan n'ya ang sugat n'ya sa balikat kahit na malaki na ang iniayos no'n. Halos pagaling na nga iyon at bihira na s'yang makaramdam ng kirot na nagmumula doon. O sadyang marami lang s'yang iniisip at sa sobrang daming tumatakbo sa isip n'ya ay hindi na n'ya napagtutuunang maramdaman ang sakit no'n? Kulang ang sabihing nabigla s'ya sa mga narinig mul

