Nang maihiga na nina Jomar at Froilan si Morie sa kaniyang higaan ay lumabas na rin ang dalawa sa silid ng dalaga. Kinansela ni Hexur ang dapat sana ay lakad nila. Naupo ang binata sa gilid ng kama ng tulog na si Morie. Nang nararamdaman ni Morie na silang dalawa na lang ng kaibigan niya sa silid ay dahan-dahan niyang binuksan ang kaliwang mata upang masigurado na silang dalawa na lang talaga ni Hexur ang nasa kwarto. Nang makatiyak ang dalaga ay mabilis siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. "Oh, okay ka na ba? What are you feeling right now?" gulat ba tanong ni Hexur kay Morie. "Arte lang iyon. Huwag kang maingay," bulong Morie aky Hexur na para bang may makaririnig sa kanila. Kinabig si Hexur nang nanginginig na dalaga. Nanlalaki ang mga mata ng binata dahil sa kakaiban

