Nabalitaan ng grupo ni Hexur ang nangyari sa pagitan nina Karl at Jordan. Hindi man nagsasalita ay nakikiramdam naman ang mafia prince sa mga kilos ni Morie dahil gusto niyang matiyak kung mahal pa ba ng dalaga ang ex boyfriend nito. Ipinagtataka naman iyon ng dalaga na nakahahalata na. "Alien, ayusin mo lang ang paghihinala sa akin," pabulong na sabi ni Morie. Hinawakan pa nito ng bahagya sa kwelyo niya ang nagulat na binata. "What is your problem?" tanong ni Hexur. "You are pretending na nothing is happening pero alam kong may iniisip ka against sa akin based on your actions," gigil na sabi ni Morie. "Hindi ka ba nasasaktan dahil sa nangyari kay Jordan?" diretsa na tanong ni Hexur sa dalaga. "Bakit? Hindi pa naman siya patay, 'di ba?" At kahit mamatay siya, wala akong pakialam

