Magkakaharap sina Hexur, Morie at Florencia sa sala ng isang machiya, sinaunang bahay ng mga Japanese sa Kyoto. Galit pa rin si Hexur at halata iyon sa mukha ng binata. Mahigpit din ang hawak nito sa basong tangan niya. "Patawad sa kapahangasan ng kaibigan ko, Florencia," sabi ni Hexur. "Ako ang dahilan ng lahat." "It's a big misunderstanding. Ang buong akala ko ay narito siya para kunin ang invention ko at ibigay ito sa mga miyembro ng Vinsue. Hindi ko alam na ikaw ang gagamit nito." Mahinahon na si Florencia at hawak ang kamay ng mafia prince. Nakatitig ito sa malamlam na mga mata ni Hexur. Hindi siya makapaniwala na kaharap niya ang sanggol na minsan ay muntik kumitil sa buhay n'ya. Ang walang muwang na sanggol na siya rin nagligtas sa kan'ya noon. "I am so happy to meet the doct

