Sa bar ng bahay nila dumiretso si Miguel pagkatapos ng mga nasaksihan niya. Ipinatawag n'ya ang kan'yang bestfriend na si Froilan. Habang wala pa ang kaibigan ay mabilis na tinungga ni Miguel ang mamahaling alak na regalo sa kan'ya ng isang kilalang politiko.
"I am so disappointed! Damn it!" Ibinalibag ni Miguel ang hawak na baso sa pader.
"Calm down, Migz," wika ni Froilan na kapapasok pa lang ng silid. "Your son is not a big disappointment. Kahit mahina siya sa sandata ay magaling siya sa management."
"Ano ang silbi ng utak n'ya if he can't defend the whole organization. Gusto ko siyang ipadala sa abroad to acquire high standard education and trainings pero sa edad n'yang iyan ay para siyang sanggol na inaalagaan ng mommy n'ya!" galit na sabi ni Miguel.
Sinamahan ni Froilan ang kaibigan habang masamang-masama ang loob nito. Sa labas ng silid kung nasaan ang magkaibigan ay nakatayo si Catherine. Pumunta siya sa silid na iyon para sana humingi ng tulong sa asawa n'ya ngunit nang marinig niya ang mga tinuran nito ay mabigat ang mga paa na humakbang palayo si Catherine.
"This is all my fault. Kung sana malakas ang katawan ko during my pregnancy baka sakaling malakas din ang pangangatawan ngayon ng aking anak," sabi ni Catherine sa sarili n'ya.
Si Hexur na nakahiga na sa kan'yang kama ay tinitingnan ng doktor. Walang makita ang mga doktor na dahilan ng pagkakasakit ng binata. Habang tumatagal din siya sa pagtulog ay bumababa rin unti-unti ang kan'yang temperatura.
"I can't believe what is happening here," sabi ng doctor. "His body is getting better without medication."
"Baka may kumukulam sa kan'ya," sabi ng yaya ni Hexur.
"Hindi totoo ang kulam," sabi ng doktor. "I recommend na ipa-check natin sa specialist ang buo niyang katawan."
"Ilang beses ko bang gagawin iyan, dok, para sa anak ko? Nakakasawa na ang check-up na iyan," reklamo ni Catherine.
Nagising si Hexur sa ingay sa kan'yang silid. Dahan-dahan niyang iminulat ang kan'yang mga mata. Una niyang nakita ang kan'yang ina na nagagalit.
"Mommy," tawag ni Hexur sa kan'yang ina.
"Salamat naman at gising ka na. How are you feeling?" tanong ni Catherine sa anak niya.
"Okay na po siya, ma'am," sabad ng doktor.
"Yes. I am okay, mommy," sabi ni Hexur.
Gustong sabihin ni Hexur na okay na siya physically pero hindi emotionally. Nasasaktan siya sa isipin na matindi na ang galit sa kan'ya ng sariling ama.
Nagpatuloy ang mga araw na kahit anong sikap ni Hexur na matutong humawak ng baril ay hindi niya magawa. Nanginginig ang buong katawan ng binata sa tuwing hahawak siya nito. Kaya madalas ay gabi na siya umuwi galing sa paaralan para makaiwas na rin sa pangungulit ng Uncle Karl niya.
Isang sabado, walang klase ngunit maagang gumising si Hexur. Buo ang loob ng binata na mag-exercise para lumakas ang katawan niya. Alas-singko pa lang ng umaga at gusto niyang mag-jogging sa labas ng Haito Compound.
Sa Buntad Street kung saan makikita ang compound ng Haitos ay magaan na nagdya-jogging si Hexur. Dahil maaga pa kaya kakaunti pa lang ang gising sa mga tao. Ang mga nakakakita sa binata ay nagtataka dahil sa kakaibang liksi nito.
"Bakit ang bilis n'yang tumakbo? Ano ang nagyayari sa mafia prince natin?" nagugulumihanang tanong ng isang Haitos na nagkakape sa labas ng bahay nila.
"Hindi ko alam. Ngayon ko lang siya nakitang nag-ensayo kasi sakitin daw siya sabi ng mga nasa loob ng compound," sagot ng isa ring Haitos.
"Hindi siya mukhang may sakit. Grabe ang liksi niya at nakakatakot siyang makalaban sa lagay na iyan. Daig niya pang kumilos ang magagaling na pinuno ng grupo natin," sabad ng isa pa.
"Baka pinalalabas lang sa taas na mahina siya pero ang totoo ay magaling siya," sabi naman ng isa pa.
Naging mainit na usapin ang nakita ng mga Haitos na liksi ni Hexur. Maging ang napagmasdan nilang kakaibang lakas ng binata ay naging palaisipan sa marami. Sa muling pagdaan ni Hexur sa lugar na iyon ay naglakas loob ang mga Haitos na alukin na magkape ang kanilang prinsipe. Tumigil naman ang binata upang makisalamuha sa kanila. Hindi kababakasan ng tapang ang anak ni Miguel Rendon.
"Boss, ang aga n'yo pong tumakbo sa buong Buntad Street. Hindi po ba kayo napapagod sa bilis n'yong kumilos?" lakas-loob na tanong ng isa.
"Hindi naman po ako tumatakbo. Jogging lang po ang ginagawa ko kaya hindi nakakapagod kahit makailang balik ako," sagot ni Hexur.
Nagkatinginan ang mga tao ngunit walang nagsalita. Kahit kilala na mabait ang anak ng kanilang pinuno ay takot din ang mga ito na mag-usisa pa.
Pagkatapos magkape ay agad na bumalik ng Haito Compound si Hexur. Pumasok siya agad sa kan'yang silid. Ramdam na naman ng binata ang pag-init ng kaniyang katawan. Umaapoy na naman sa lagnat ang gwapong prinsipe kaya naman mas pinili niya ang matulog buong maghapon.
Sa Buntad Street ay kumalat na ang balita tungkol sa nakita nilang kakaibang pag-jogging ni Hexur. Nakarating iyon kina Miguel at Catherine kaya kinausap nila ang mga Haitos na nakatira roon.
"Nasa silid niya si Hexur at inaapoy ng lagnat kaya imposible na mag-jogging siya ng ala-singko ng umaga," sabi ni Catherine sa asawa niya.
"Totoo po, Ma'am Catherine. Nakita po namin si Boss Hexur kaninang umaga," pilit na sabi ng isang Haitos.
"Kung nakita n'yo ang anak ko, paano n'yong nasabi na maliksi ito at kakaiba?" naguguluhan na tanong ni Miguel.
"Jogging lang daw po ang ginagawa n'ya pero sobrang bilis n'ya po. Segundo lang siyang dumaan dito. Noong simula ay medyo mabagal pa pero habang tumatagal ay kakaiba na ang bilis niya," paliwanag ng isa.
Nagkatinginan ang mag-asawa. Magkaiba ang tumatakbo sa mga isip nila. At para protektahan ang mafia prince kaya minabuti ni Miguel na bigyan ng kautusan ang lahat na wala nang magsasalita tungkol sa nakita nila.
Pagdating ng bahay ay agad na pumunta si Miguel sa bar. Nilunod n'yang muli ang kan'yang sarili sa alak. Nang malasing ay doon na rin siya nakatulog. Hapon na nang magising siya.
Paglabas ni Miguel ay nakita niya ang anak na masayang nakikipagkwentuhan sa mga miyembro ng Haitos. Batid ni Miguel na walang duda na nakuha ng anak n'ya ang tiwala ng mga miyembro ng grupo nila ngunit paano pamumunuan ng kan'yang anak ang buong grupo kung mahina ang katawan nito?
Tiningnan lang ni Miguel ang anak na noon ay nasasaktan. Malaki na ang pinagbago ng ama ni Hexur. Hindi na ito kasing lambing katulad noong bata pa ang binata. Madalas ay lasing ito at galit sa mga Haitos. Gulo ang hanap palagi ng amang dati ay makatao at kahit mafia boss ay may puso sa kan'yang nasasakupan.
Pumasok si Hexur sa kan'yang silid. Gusto niyang pasayahin ang ama ngunit hindi kaya ng katawan niya. Basta usapang training ay agad siyang nagkakasakit sa hindi malaman na dahilan. Hindi niya masabi sa mga doktor na kapag nagsisimula na siyang mag-training ay umiinit ang katawan niya kaya lahat ay nagtatanong sa totoong kalagayan ng Haito mafia prince.
Biglang kumalabog ang pintuan ng silid ni Hexur. Pumasok ang galit na si Miguel at saka sinakal ang anak na noon ay nakahiga habang nakatitig sa kan'yang balat sa kanang braso.
"Sinong demonyo ka na sumapi sa anak ko?" galit na tanong ni Miguel kay Hexur.
"D-da-ddy?" tanging nasambit ng nahintakutan na binata.
Tinanggal ni Miguel ang kamay niya sa leeg ni Hexur. Hinawakan n'ya ang payat na braso ng anak at saka hinila ito pababa ng kama. Isinalya niya si Hexur sa sementong dingding ng silid.
"Alam kong hindi na anak ko ang nabubuhay sa katawan mo! Sino ka? Sino ka?" sunod-sunod na tanong ni Miguel kay Hexur.
"Hindi ko po kayo maintindihan," kinakabahan na sagot ni Hexur.
Dinukot ni Miguel ang baril niya at saka itinutok iyon sa kan'yang anak. Nanginginig ang mga kamay niya ngunit nanlilisik ang kan'yang mga mata.
"Patay na ang anak ko! Patay na ang anak ko! Demonyo ka! Demonyo ka!" paulit-ulit na sigaw ni Miguel.
Dahil sa ingay ay napatakbo si Catherine sa silid ng kan'yang anak. Napatda ang ginang ng makita niya si Hexur na nakasiksik pader habang tinututukan ng baril ng kan'yang ama.
Si Karl na nasa bahay ng mag-anak ay napasugod din sa silid ni Hexur. Agad niyang tinapik ang balikat ni Catherine na noon ay nakatulala lang.
"Kuya, what are you doing? Are you insane? Baka mapatay mo ang anak mo niyan," wika ni Karl.
Mabilis na tumayo si Hexur at tumakbo sa likod ni Karl. Nanginginig ang mga kamay ng binata habang nakahawak sa damit ng kan'yang uncle.
"He's not my son!" sigaw ni Miguel sabay tutok ng baril sa kapatid niya.
"What the f*ck, kuya?! Masyado ka nang kinain ng kagustuhan mong maging magaling ang anak mo! Tanggapin mo siya kung ano at sino siya!"
"Hindi ko siya anak!"
"So, ano? Anak ba siya ni Batman, ni Spiderman o ni Thor?" pabalang na sagot ni Karl sa kuya niya.
Kinalabit ni Miguel ang gatilyo ng baril at tumama ang bala nito sa dingding ng silid ni Hexur. Pagkatapos noon ay lumabas na ang galit na mafia boss.
"Ano ang ginawa mong kasalanan?" tanong ni Karl sa pamangkin n'ya.
"Wala, uncle. Pumasok siya rito at sinakal na lang ako bigla," sagot ni Hexur.
"Ate, bago pa mapatay ni Kuya si Hexur, i-alis mo muna siya rito," suhestiyon ni Karl.
Agad pumayag si Catherine sa sinabi ng bayaw niya. Noong araw din na iyon ay nilisan ni Hexur ang Haito Compound. Uuwi muna siya siya sa bahay ng mga magulang ni Catherine na matatagpuan sa labas ng siyudad ng Libana.
Bago makalagpas ng Sintuan Street ay biglang pumutok ang gulong ng sinasakyan nina Hexur. Ang sampung bodyguards ng binata ay agad na naghanda sa parating na panganib. Si Hexur ay binigyan ni Jomar ng baril para magamit kung sakaling kinakailangan.
"Your job is to protect me! Hindi ko kailangan ng baril," tanggi ng binata lalo at nakadama siya ng pag-init na naman ng katawan.
"For protection mo lang iyan, boss. Lahat ng sasakyan kasi natin ay pumutok ang gulong," sagot ng Haitos na kasama niya.
"Call my mom and ask her for a backup," utos ni Hexur. Napahawak siya sa kan'yang ulo dahil sa sakit na nararamdaman n'ya.
Bago pa matawagan ng Haitos na inutusan ni Hexur si Catherine ay sumulpot sa harapan nila ang isang grupo ng mga kalalakihan. Agad nilang tinutukan ng mga baril ang grupo nina Hexur at pilit nilang pinabababa ng sasakyan ang grupo ng binata.
Kinabahan si Hexur. Hindi niya alam ang gagawin lalo at nahihilo na naman siya dahil sa sobrang init. Hindi mapakali ang binata habang ang mga kasama niya ay nakahanda nang umatake.
Mula sa kung saan ay sumulpot ang isang babaeng gusgusin at pinasabugan ng hindi mabatid na uri ng pampasabog ang mga humarang sa kanila. Ang babae ay mabilis din na nawala nang mabatid niyang ligtas na ang mga nasa loob ng sasakyan.
Sa nanlalabong mga mata ni Hexur ay hindi nakaligtas ang itsura ng babaeng tumulong sa kanila.
"M-Mo-rie…" sabi ng binata sa nanghihinang tinig.