FEROIAN CHAPTER 19

1919 Words

Nanginginig ang buong katawan ni Hexur habang tinitingnan ang maliwanag na nilalang sa screen ng kaniyang tv. Alam niyang may sinasabi ito base sa galaw ng bibig nito ngunit hindi iyon maintindihan ng binata. "Yu, aming magiting na mandirigma. Nagagalak akong muli kang makita," maligayang sabi ni Soe. "Nakita ko ang ginawa sa iyo ng mga tao kaya gamit ang ginawa kong programa na matagal nang nakatutok sa mundo ng mga tao ay natulungan kita." Nakatingin lamang si Hexur sa monitor ng tv. Nasisilaw siya sa liwanag na nakapalibot sa nilalang kaya hindi siya makatagal ng titig doon. Pawis na pawis na siya at nararamdaman niya ang pag-init ng kan'yang pulsuhan. "Who are you?" tanong ni Hexur kay Soe. "Yu, hindi mo ba ako nauunawaan?" tanong naman ni Soe sa binata gamit ang lenggwahe nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD