"Kayo, tigil!" sigaw ni Mr. Zing. Isang kahon na lang kasi ng kargamento ang hindi naikakarga ng mga Haitos sa sasakyan na dala nila. Ngunit mahigpit ang utos ni Hexur na ituloy lang ng mga ito ang trabaho dahil bayad na ang mga iyon. "Wala ka ng magagawa Mr. Zing, bayad na ng Haitos iyan," sabi ni Jomar na nakatutok din ang baril sa ulo ng kausap niya. "Ako, lugi. Ako bigay baba na price para kayo bili. Wala pa kalahati akin bili, bigay kong prize sa iyo. Ikaw dagdag na lang," sabi ni Mr. Zing kay Hexur sabay baba ng baril niya. Ngumisi si Hexur. Simula pa lang ay batid na niyang masyadong mababa ang presyo na bigay ni Mr. Zing kaya pursigido siyang makuha iyon. Alam n'ya rin ang plano ng Instek kaya pinaghandaan na niya. "Sarado na ang transaksyon natin Mr. Zing. I paid you the

