FEROIAN CHAPTER 58

1903 Words

Pumayag si Hexur na hayaan si Karl sa kagustuhan nitong lumaban bilang kapalit sa mga impormasyon na nalaman n'ya. Hindi n'ya man tiyak kung tama o mali ang naging pasya n'ya ay umaasa siyang makakabuti iyon sa lahat. Nang bumalik si Hexur sa bahay na tinutuluyan nila ay niyakap n'ya ng mahigpit si Morie. Mag-a-alas kwatro pa lang ng hapon pero halos wala na silang makita sa sobrang dilim ng paligid. Mabuti na lamang at hindi napuputol ang supply ng kuryente sa buong compound. "Nasaan na ang mga mandirigma ng Haitos?" tanong ni Morie. "Naroon sila sa ground. Kasama nila sina Cedric, Michael at si Uncle Karl," sagot ni Hexur. "Uncle Karl? Paanong…" "Pinakawalan ko siya kapalit ng mga nalaman ko," wika ni Hexur. "Totoo ba naman ang mga sinabi n'ya sa iyo?" tanong ulit ni Morie?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD