CHAPTER 54 TRAVIS POV: HINDI KO INAASAHAN ITO. Hindi ganitong senaryo ang hiniling ko sa Diyos. Ang nais ko ay magkaayos kami ni Shiena. Pero tila unti-unti na itong lumalabo dahl dumating pa si Andrea na may kasamang bata. Pinipilit niya pa ako na tumayong ama sa bata na hindi ko naman kaano-ano o kadugo. Sobrang problemado tuloy ako ngayon. Hindi ko alam kung paano ko magagawang paiwasin si Andrea para lang hindi sila magtagpo ni Shiena. Kapag nagkataon kasi ay magiging gulo ito. Halata pa naman na palaban ngayon ang bagong Shiena kaya hindi talaga nito uurungan si Andrea. Hindi tuloy ako makapag-focus sa trabaho. Dahil ang utak ko ay tumatakbo at inaalala kung ano ang ginagawa ng dalawa sa bahay. Kilala ko si Andrea. Napaka-kulit nitong babae. Halata pa naman rito na hindi siy

