CHAPTER 53 SHIENA's POV: "OH? BAKIT BUMALIK KA AGAD? ANG BILIS MO NAMAN YATANG RUMONDA GEORGE? MAY PROBLEMA BA O BAKA TINATAMAD KA LANG?" tanong ko sa lalaki nang masilayan ko muli ang mukha niya. Hindi pa nga nangalahating oras ay nandito na siya. Parang kanina lang ay nagpaalam ito sa akin na titingnan niya ang mga tao kung pumasok na ba sa kani-kanilang trabaho. Balak ko rin kasing maglibot muli. But this time, gusto kong si George na ang kasama ko. Hindi na pwedeng maulit pa yung nangyari sa amin ni Travis. Dahil nagiging mahina ako kapag siya ang nakakasama ko. Sa sobrang bilis na makabalik ng binata ay hindi ko pa natatapos ang pag-aalmusal ko. Sinusulit ko kasi ang mga nakahain na pagkain sa mesa. Lahat nang ito ay fresh from the farm. Ang gatas na iniinom ko ay galing sa ba

