CHAPTER 69 TRAVIS POV: WALA SI SHIENA. Hindi ko siya nakita, buong maghapon. Siya lang naman ang dahilan kung bakit nagiging masipag lalo ako sa aking trabaho. Kahit nga sa mga kabayo lamang ang destino ng trabaho ko ay nagawa kong pumunta ng manggahan para tingnan kung naroon ang dalaga. Eto kasi ang siyang naisip ko na paborito niyang tambayan. Dahil lagi niya itong bukambibig na makita nung araw na ako pa ang siyang kasama niya sa paglilibot. Kaya lang dahil sa pagdating ni Andrea ay nahadlangan ang pagsasama namin ni Shiena. Lagi na lang mainit ang ulo sa akin ng babae, dahil siguro sa nakaraan naming dalawa. Nagtataka naman ang mga tao rito na siyang nagtatrabaho sa manggahan. Hindi yata sila sanay na makita ako rito. Ito kasi ang kauna-unahan na tumapak ako sa lugar na ito.

