HARAPAN NILA MRS. ARELLANO AT SHIENA CHAPTER 68 SHIENA's POV: HINDI pa ako binubuksan ng guard dahil pinili niyang pumasok ng mansion upang sabihin kay Mrs. Arellano ang tungkol sa akin. Masyado naman siyang sunud-sunuran sa amo niyang may mahabang sungay. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang tumagal dito sa mansion gayong asal hayop ang matandang may-ari nito. Kaya pinili kong tumalikod muna at tumingin-tingin sa relo. Akala ko nga ay hindi na babalik ang guard dahil masyadong natagalan ang pagdating niya. "Pasok ka na raw Madam," ani nito nang buksan niya ang gate. Dire-diretso naman akong lumakad papasok sa loob at hindi na ako nagpasalamat pa sa guard. Masyado niya kasi ako pinahintay nang matagal sa labas. Ngayon ko lang nasilayan ang ganitong mansion nila Mrs. Arellano. Ma

