CHAPTER 1

1459 Words
CHAPTER 1 SHIENA's POV: "This night, I will going to introduce my Unico Hijo, Mr. Travis Miguel Arellano. Siya ang nasa likod ng lahat kaya naging maganda ang takbo ng business natin. Look at us now, nasa top 1 na tayo sa pinakasikat at pinakamayaman sa Pilipinas," proud na bigkas ni Ginang Marilyn. Ang nanay ni Travis na mismong may-ari ng Kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Narinig ko ang malakas na palakpak habang paakyat ng stage ang binata. Kahit nasa malayo ako, tanaw na tanaw ko pa rin ang kagwapuhan nito. Kaya hindi ko maiwasan na sumabay sa pagpalakpak habang nakatitig sa lalaking nagpapatibok ng puso ko. By the way, my name is Shiena. And that man is my boyfriend. A secret boyfriend rather. Patago kasi ang relasyon namin kaya kami lang na dalawa ang nakakaalam. At okay lang naman 'yon sa akin dahil naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Sino ba naman ako para ipakilala niya diba? Isang taga-linis lang naman ako rito sa Kompanya habang siya anak mismo nang may-ari nito. Kung nagtataka kayo kung bakit naging kami? Well, mahabang kwento. Actually, matagal na akong taga-linis dito at nagkataon na nadulas siya sa sahig dahil sa katangahan niya. Kaya doon nagsimula ang lahat sa amin. Sa halip kasi na tulungan ko siya, tinawanan ko pa ito. Hindi ko naman kasi alam na siya pala ang magiging boss ko. So to make the story short, pinarusahan niya ako hanggang sa naging malapit ang loob namin sa isat-isa. Kapag binabalikan ko ang araw na 'yon, kilig pa rin ang umaapaw sa damdamin ko. I'm deeply inlove with him. At yung pagmamahal ko sa kanya, walang katulad. "Thank you, Mom. And thank you to all of you here. I'm so grateful today, dahil marami akong natulungan at napasaya. So cheers to our successful company and I hope more business partner to come for us!" saad ni Travis. Bahagya akong napangiti nang tapunan niya ako nang tingin. Nababasa ko kasi sa mga mata nito ang salitang 'I love you' kaya marahan kong ibinuka ang bibig ko para ipahatid sa kanya ang "I love you too." Gusto ko mang lapitan siya pero hindi ko magawa dahil mabibigatin na tao ang naroon. At ang katulad ko ay hindi nababagay na makisalamuha sa mga mayayaman na tulad nila. Kaya heto ako, pinili kong tumulong sa catering para sa gano'n may magawa man lang ako. Pero mukhang kinapitan yata ako ng kamalasan ngayon dahil may isang babae ang siyang nagtulak sa akin dahilan para matapunan ko ang bisita ng mga drinks na dala ko. Nakuha ko tuloy ang atensyon ng lahat lalo na ang atensyon ng mama ni Travis. Sa mata palang nito, halatang nagpipigil lang ito ng galit. "I'm sorry po. I'm sorry. Hindi ko sinasadya na matapunan kayo," hinging paumanhin ko. Dahan-dahan kong tiningnan ang nasa likuran ko para malaman kung sino ang tumulak sa akin. And then I saw, Shavana. Ang Secretary ni Ma'am Marilyn na may lihim na pagtingin kay Travis. Sa lahat ng empleyado rito, siya lang yata ang may malakas na pang-amoy tungkol sa relasyon namin ni Travis. Siguro nahahalata nito ang special treatment ni Travis sa akin kaya ganito na lamang ang inggit niya. And I think, that was the reason kung bakit nagawa niya akong tulakin para mapahiya at mapagalitan. "I'm sorry, Mr. Xiao. It just an accident. Huwag kang mag-alala at kakausapin ko siya at titiyakin ko na hindi na siya rito makakapag--" Hindi na naituloy ng Ginang ang kanyang sasabihin dahil biglang sumulpot si Travis sa likuran niya. "Mom, it's alright. Everything will be okay, right Mr. Xiao?" wika nito sa lalaking nabuhusan ko ng drinks. Tanging pagtango na lamang ang naitugon ni Mr. Xiao na tila nakumbinsi ito ni Travis. Talagang hindi niya ako hinayaan na mapahiya sa harapan ng maraming tao. "Anyway, let's continue our celebration," usal muli ni Travis. Bago pa man ito makalayo sa akin, binigyan niya ako ng panyo para punasan ko ang aking damit na nabasa. "Go to the comfort room and change your clothes love," bulong nito sa tenga ko. Sa callsign palang na "love", nawala agad ang kaba sa dibdib ko. He's really my saviour. Hindi ako nagkamali na mahalin siya. Kahit na mahirap, handa akong magtiis. "THANK YOU, LOVE. Hindi ko na mabilang kung ilang beses mo akong nililigtas sa kahihiyan. Ang tanga-tanga ko kasi minsan kaya pasensya ka na sa akin ha?" wika ko kay Travis. Talagang hinintay ko na matapos ang celebration nila para makasama at makausap ko siya. Ito kasi ang naging usapan namin kagabi na kailangan namin magkita para sa gano'n magkaroon din kami ng oras. "Boyfriend mo ako, Shiena. Kaya natural lang na gawin ko 'yon. Ayoko pa naman sa lahat yung pinagtatawanan ka," sweet na saad ni Travis. Nagawa kong sumanday sa kanyang dibdib habang hinahaplos at inaamoy niya ang aking buhok. "Kaya nga salamat. A big thank you. Siguro kung wala ka do'n, napagalitan na ako ng mama mo," sambit ko rito. "Hindi ka mapapagalitan ni mama dahil maraming tao. But don't worry about it, kakausapin ko si mama para hindi ka pag-initan bukas," pahayag niya para maibsan ang pangangamba ko. Kilala kasi namin pareho ang ugali ng mama niya. Kung usapang istrikta lang naman, hindi ko ipapatalo si Mrs. Marilyn. Siya lang yata yung mayaman na halos isumpa ang mga katulad namin na nasa mababang posisyon. Pero kahit anong sabihin niya sa akin, hindi magbabago ang pagtingin ko kay Travis. Mahal ko ang anak niya eh. At hindi ako basta-basta bumibitaw dahil lang sa ayaw sa akin nung magulang niya. As long as he loves me, I have a reason to stay. "Hay naku, hindi na sa akin bago na mapagalitan ng mama mo. Halos vitamins ko na yata ang panenermon niya. Pero okay lang, kasi alam ko naman na she's being Professional dahil hindi biro ang maging owner ng Company. And I'm proud of you, love. Dahil nagagawa mong magampanan ang kompanya. Parang kailan lang, pinaplano mo palang 'yan diba? Pero tingnan mo ngayon, sikat na sikat ka na," masayang turan ko. "Congratulations love. You deserve that. Hindi ako magkakamali na magiging CEO ka agad. I'm sure mapo-promote ka sa mabilis na panahon," patuloy kong sabi. Napaayos ako nang upo dahil nagawa niya akong harapin at tingnan sa aking labi. "You're one the reason of it, Shiena. Talagang pinag-iigihan ko ang trabaho ko para sa gano'n, hindi na natin kailangan tumago. Gustong-gusto ko na rin kasi na ipakilala ka sa maraming tao. But you know, it's hard for me to do that hangga't wala akong napapatunayan," mahinang wika nito na bukal sa kanyang puso ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "Love, naiintindihan naman kita. Ayos lang sa akin na ganito muna tayo. Wala namang mali sa patagong relasyon. Basta ba, huwag mo akong ipagpapalit sa mga sexy at magandang babae dyan, lalo na do'n kay Shavana," nakangusong turan ko. Nagawa ko ngayon na banggitin ang babaeng dahilan kung bakit naging kapansin-pansin ako sa celebration kanina. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya. "Si Shavana? Do you think, magugustuhan ko 'yon? I don't even care about her. Sa totoo lang, nawalan na ako ng interes sa ibang babae. Kasi ikaw palang, sapat na sa akin. Hindi nga ako mapakali sa tuwing may kumakausap sayong lalaki. Kaya kahit maganda ang records nung lalaki na 'yon, inaalis ko agad sa trabaho kapag nagseselos ako," saad nito sa akin. Naalala ko tuloy si Ivan na naging kaibigan ko sa trabaho. Ito pala ang dahilan bakita natanggal agad siya. Akala ko pa naman may bad records siya kaya inalis ito. "Bakit ka natatawa?" Cute na tanong ni Travis nang marinig nito ang hagikhik ko. "Wala lang. Ganyan ka pala magselos hahaha. Nakakatakot. Kaya pala, hindi na nagtrabaho si Ivan dahil siguro sa kagagawan mo noh?" panghuhula ko. "Si Ivan? Yung feeling pogi na panay dikit sayo? Tsk. Namimiss mo ba ang lalaking 'yon?" inis na bigkas nito na animo'y nag-uumpisa ng magselos. "Love naman, hindi kaya. Bakit ko naman mamimiss ang tao na 'yon? Hindi ba pwedeng kinikilig ako dahil sobrang protective ka sa akin?" balik na usal ko. "Ganyan ka pala kiligin. Pambihira. Ayoko lang naman na kinukuha nila ang atensyon mo. Kasi gusto ko, ako lang dapat. Hindi man ako showy o sweet na lalaki, but my intention and love for you is pure," saad nito dahilan para hawakan niya ang aking pisngi. "So please, sa akin ka lang Shiena. Hintayin mo lang ako na ma-promote. At pangako, ipagsisigawan kita sa buong mundo. I just really, really love you," sambit niya at dahan-dahan na lumapit ang labi nito sa labi ko. Wala akong nagawa kundi ang pumikit at tumugon sa halik niya. The way he kissed me, ramdam ko agad ang pagmamahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD