CHAPTER 2
SHIENA's POV:
It's another day!
Pero nagising ako na masaya at dala pa rin ang ala-ala kagabi.
Halos madaling araw na rin kasi na umuwi si Travis dahil maraming nangyari sa amin.
We made love. And I think, it's normal. Nasa tamang edad na rin naman kami. I'm 25 years of age, habang siya naman ay nasa 28.
Yes, three years gap kaming dalawa. Pero hindi naman 'yon naging hadlang sa amin. Kasi kung iisipin, we are both matured enough to handle those things.
Higit isang taon na rin kasi ang relasyon namin ni Travis. But still, walang nagbago sa amin. Pareho pa rin kami in love.
Sa halip na mabawasan ang pagmamahal, day by day, nadadagdagan 'yon.
Nga pala, mag-isa lang ako rito sa bahay na tinitirahan ko. Ang bahay na ito ay binili para sa akin ni Travis. Maliit lang pero maganda at mapresko. And yeah, this is our secret place kapag nag-uusap kami. Kaya marami akong good memories dito sa bahay. This is what we called our home.
I check my watch kung anong oras na ba. Hindi pa kasi nagtetext or chat man lang ang boyfriend ko. Siguro, pagod na pagod 'yon kaya hanggang ngayon nasa mahimbing pa yata na tulog ang binata.
"Hayy, maka-luto na nga," mahinang bigkas ko para mag-asikaso.
It's Sunday. My day off. Kaya hindi ako nagmamadali sa pagkilos dahil alam ko rin naman na wala akong pasok. So as usual, daily routine lang ang gagawin ko.
Pagluto, panonood ng t.v, paglilinis ng bahay at paglalaba. Bihira lang din kasi kami magchat ni Travis. More on call kaming dalawa.
"I can't wait na paglutuan ko si Travis at dalhan ng pagkain sa work niya. Siguro ang sarap sa pakiramdam nang gano'n," sambit ng isipan ko.
Marami na akong plano sa buhay. Marami na rin akong plano na gustong gawin kapag naging legal na kami ni Travis. Tamang panahon na lang talaga ang hinihintay namin.
Hindi naman ako nagmamadali. Ika nga, wait for the right time. Kasi alam kong nasa tamang tao na rin naman ako.
NAPATIGIL ako sa pagluluto nang marinig ko ang ring tone ng phone ko. That was a sign na tumatawag si Travis. So it means, gising na siya.
Kaya dali-dali kong inoff ang stove para sa gano'n hindi matutong ang piniprito ko.
Kaagad kong kinuha ang phone sa aking desk at sinagot ang tawag.
I was about to say "hello" pero boses ni Ginang Marilyn ang siyang narinig ko.
"I don't even know kung anong pangalan mo. Pero kung sino ka mang babae ng anak ko, layuan mo si Travis. My son don't deserve you. Naiintindihan mo ba?" bigkas nito dahilan para hindi ako makasalita.
Natatakot kasi ako na baka makilala niya ang boses ko. Dahil yung number na ginagamit ko, kami lang ni Travis ang nakakaalam.
Pero bakit? Bakit nagawang makuha ni Ma'am Marilyn ang cellphone ni Travis?
"Mom, w-what are you doing? At sino ang kausap mo?" rinig kong tanong ni Travis na animo'y kakagising palang.
I guess, pumasok siya sa room ng anak niya para i-check ang phone ni Travis.
Grabe talaga ang pagiging strikta niya.
Halos lahat ng galaw ni Travis, inaalam niya. She don't care about his son's privacy.
"I'm just talking to this girl on the phone. All this time, siya pala ang dahilan kung bakit madaling araw ka nang umuwi? Akala mo ba, hindi ko napapansin ang kilos mo, Travis? Mag-isip ka nga! Bakit ka gumagawa nang ikakasira ng pamilya natin, lalo na pagdating sa business?!" pagalit na pahayag nito sa anak.
Tila nakaramdam tuloy ako ng konsensya dahil sa nangyayari sa boyfriend ko.
"You're such an over acting, Mom. Wala siyang kinalaman sa Kompanya. So just give back my phone," usal ni Travis para agawin ang cellphone sa kanyang ina.
"No. I will not allowed you to use a phone. Hindi na rin kita papayagan na gumamit ng kotse, unless may driver ka," pagdedesisyon ni Ma'am Marilyn.
Wala akong nagawa kundi ang pakinggan ang usapan nila.
"What? Are you serious about it, Mom? Twenty-eight na ako. Pero mukhang sinasakal niyo pa rin ako. I just want to remind you na hindi na ako bata," sambit ni Travis na tila nagagawa niya nang sagutin ang ina.
Pero hindi ko inaasahan ang susunod na sasabihin ni Ma'am Marilyn. Sa lahat ng sinabi niya, ito yata ang pinakamasakit sa lahat.
"Kaya nga. Twenty-eight ka na. Pero bakit ang hirap para sayo na sundin ang gusto ko? I just want to remind you also na ikakasal ka sa iba. Kaya ayusin mo ang buhay mo Travis. Hindi ko hahayaan na mapunta ka sa ibang babae kung hampas-lupa rin naman ang nahanap mo!" bulyaw nito sa anak.
Halos manlambot ang tuhod ko dahil do'n na naging hudyat para ako na mismo ang mag-end ng tawag. Hindi ko na kasi makakaya pa na marinig ang susunod nitong sasabihin.
Kung ikakasal si Travis sa iba, paano na ang relasyon namin? Paano na ako?
Hindi sa akin nabanggit ni Travis ang tungkol sa kasal. Bigla tuloy akong nalungkot. Hindi mapakali ang isip ko ngayon.
Parang kagabi lang, masaya pa kaming magkasama. Marami pa siyang sinabi sa akin na pangako. Pero dahil sa narinig ko, mukhang malabo na matupad niya 'yon sa akin.
But I can't. Hindi ko kaya. Hindi ko na yata kaya na maghiwalay kami. Nasanay na ako sa kanya. Marami na kaming pinagsamahan na dalawa. And it's hard for me to let him go.
Sa kaka-overthink ko, hindi ko namalayan ang pagbagsak ng aking luha dahilan para mapatingala ako sa kisame.
"Bakit naman ganito, Lord? Bakit ang unfair? Do I deserve this? Parang ang sakit lang kasi. Iniisip ko palang na mapupunta na sa ibang babae ang lalaking mahal ko, parang pinipiga ang puso ko. Siguro kung mayaman lang ako, hindi mangyayari sa akin ito," wika ko habang patuloy na tumutulo ang luha sa magkabila kong pisngi.
Nawalan na rin ako nang gana na kumain pa. Kaya ang naging ending, umiyak lang ako nang umiyak. Siguro kaya nagawang ilihim sa akin ni Travis ang tungkol sa kasal ay para hindi ako masaktan. Pero nalaman ko na eh. Wala na sigurong rason para magtago pa siya.
Pero paano? Paano ko siya makakausap kung gayon na halos pinagmamasdan ng mama niya ang bawat galaw niya.
Sa palagay ko, mukhang malabo na marinig ko ang paliwanag ni Travis.
"Nakakainis. Hindi ko alam kung ano ang susundin ko. Ang utak ko ba o ang puso?"
Pero sa huli, pinili kong i-enjoy ang sarili ko. Lumabas ako para pumunta ng mall. Kapag maraming pumapasok sa isipan ko, naghahanap ako nang pagkakaabalahan para sa gano'n hindi ako lamunin ng lungkot.
Kahit wala ako masyadong pera, pumunta ako rito para maglibang.
"Gaganda ng damit. Kaso mahal. 7,999 ang isa? Oh my ghod! Pang-isang buwan ko na yang budget," aniya ko habang nakatingin sa presyo ng damit.
Wala akong choice kundi ang ibalik ang dress sa lagayan.
Kaso nga lang, may isang magandang babae ang siyang sumulpot sa harapan ko.
"Bet mo ba 'yan? I'm sure, bagay 'yan sayo," saad nito na tila isang anghel ang boses niya.
"Huh?" tanging bigkas ko.
Hindi ko kasi alam kung ano ang irereact ko, lalo pa't hindi ko naman kakilala ang babaeng kumausap sa akin.
"Alam mo, ganyan din ako rati. I can't buy dress because I don't have money. Pero ngayon, lahat ng gusto ko, nabibili ko. So everytime na may nakikita akong babae na hindi afford ang isang bagay, tini-treat ko," paliwanag nito na animo'y alam ko na ang kanyang pinaparating.
"Iti-treat mo ako?" I asked her.
"Why not? Nakikita ko naman na mabuti kang tao. And beside, I see myself on you," saad nito dahilan para matuwa ako.
"Thank you. Pero kasi-- hindi naman kita kilala. At saka nakakahiya," tugon ko sa kanya.
"It doesn't matter kung hindi mo ako kilala. At kung iniisip mo na mahal 'yan, don't worry kasi ako naman ang may-ari ng Mall na ito. Kaya wala kang dapat na ikabahala," nakangiting turan ng dalaga.
Sa kanya ang mall na ito?
Wow! Hindi ko inexpect na ganito ka-successful ang babaeng lumapit sa akin.
"Oh ba't parang nagulat ka? Hindi ba halata sa mukha ko na isa akong may-ari nito?" tanong niya at bahagyang natawa.
"Ah pasensya na. Ganito talaga ako magreact kapag yung kapwa kong babae nagiging matagumpay sa buhay. Nakaka-proud ka naman," komplimento ko sa dalaga.
"Sabagay. Maraming nagtataka bakit ako naging mayaman. Pero alam mo ba, there's a story behind my successful. Lahat nang ito ay dahil sa isang lalaki na gustong-gusto ko talaga. Gusto ko kasi maging compatible kami to each other. Para mapansin niya ako. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig noh? Napapabago ang isang tao. Kung dati, tamad ako. Ngayon, sipag na sipag ako. At yung pagiging pursigido ko ang naghatid sa akin para magkalapit kaming dalawa," mahabang saad nito.
Sa bawat salitang nilalabas niya, sumasagi sa isip ko si Travis. Hindi kami compatible sa isat-isa. Mayaman siya, samantalang ako ay isang dukha na walang maihaharap sa magulang niya.
"Anyway, bakit ba napunta sa akin ang usapan? Feeling ko tuloy napakadaldal kong tao," bigkas niya na tila nahalata nito ang kanyang sarili.
"It's okay. Nakaka-inspired naman ang sinasabi mo," turan ko rito.
"Thank you. So paano? Sayo na ito ha? Libre ko na 'yan sayo. Para naman, maging pursigido ka rin sa buhay, katulad ko. Looking forward to see and meet you again. Pero ang gusto ko, sa pagbili mo ulit dito ay successful ka na," sweet na pahayag niya.