CHAPTER 3

1662 Words
CHAPTER 3 SHIENA's POV: Kahit may kalungkutan sa dibdib ko, napawi naman ito ng konti dahil sa babaeng nakilala ko sa Mall. She's really a nice girl and friendly. Sayang nga, hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya. Pero base sa pananalita nito, nararamdaman ko agad na may mabuti siyang puso. Nakakainggit, kasi ang successful niyang tao. Bukod do'n, maganda siya, makinis at matalino. Siguro magiging ideal girl siya ng mga lalaki. At ang swerte ng lalaking tinutukoy niya. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa dress na hawak ko. Ito yung binili niya para sa akin. Kaya dali-dali ko itong sinukat nang makauwi ako sa maliit na bahay. Gusto kong makita kung bagay nga ba ito sa akin. Nahiya kasi akong isukat ito sa Mall dahil feeling ko hindi pa ako gano'n ka-confident sa sarili. But after wearing it, gano'n na lamang ang gulat ko dahil sobrang fit nga ito sa akin. Sexy dress kasi ito kaya makikita mo talaga ang hubog ng katawan mo. "Ang galing din manghula nung babae. Bagay nga sa akin. Siguro fashionista rin 'yon," nakangiting saad ko habang nakaharap sa malaking salamin. Sa kakatitig ko sa aking dress, hindi ko namalayan na may isang tao na pala ang nakapasok sa bahay. Nakalimutan ko kasing isara ang pinto dahil sa sobrang excited na masukat ang damit. "S-sino 'yan?" kinakabahan na tanong ko. Halos mapahiyaw naman ako nang bumulaga sa akin ang pagmumukha ni Travis. Ang boyfriend ko na kaagad akong niyakap nang mahigpit. "Love, I miss you." Yakap nito habang hinahagkan ng halik ang leeg ko. "Travis, a-anong ginagawa mo rito? D-diba, pinagbabawalan ka ng mommy mo na--" Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin ko nang sungaban niya ang aking labi. Hindi ko na rin nagawang umangal pa dahil totoong namiss ko ang binata kahit na nagkita palang kami kagabi. Pero sa kalagitnaan nang halikan namin, sumagi sa isipan ko ang tungkol sa kasal na narinig ko. Dahil tuloy dito, napahinto ako na ikinatigil niya rin. "Why? Is there something wrong, my love?" tanong niya sa akin. Napalayo naman ako ng konti sa kanya dahilan para magtaka siya. "Ikakasal ka na pala, b-bakit hindi mo sinabi sa akin?" nauutal kong sambit. Halos namuo na rin ang luha sa gilid ng mata ko dahil sa mga salitang narinig ko sa cellphone kanina. "Ang daya mo naman Travis. S-sabi mo, ako ang pakakasalan mo. Sabi mo, bubuo pa tayo ng pamilya diba? Sabi mo, hintayin lang kita dahil may kailangan ka lang na patunayan sa Mama mo. Pero ba't gano'n? Ba't gano'n ang binigay mo sa akin? Matapos kitang mahalin, pagkatiwalaan at ibigay pati ang katawan ko sayo, hindi pala ako ang gusto mong makasama," naiiyak kong sabi. Tuluyan na ngang pumatak ang luha sa aking mata dahil sa bigat na dinadala ko. "Narinig mo ang sinabi ni Mom kanina?" he asked me. So I just nodded as my answer. "Love, huwag kang maniwala kay mama. Hindi totoo 'yon. Hindi ako papayag na magpakasal sa iba. It just only an arrange marriage. Hindi ko mahal ang babaeng gusto nila para sa akin," saad niya para alisin ang pangamba sa puso ko. "So stay with me. Hindi ako magpapakasal. At hindi ko hahayaan na kontrolin ni mama ang desisyon ko pagdating sa pag-ibig," patuloy nitong sabi. "Pero paano? Paano mo magagawang ipaglaban ang isang tulad ko, Travis? Janitress lang ako. Hindi ako mayaman kaya hindi ako magugustuhan ng mama mo para sayo," turan ko na animo'y minaliit ko na rin ang tingin ko sa sarili. Ito naman talaga ang totoo. Isang hamak na taga-linis na naghahangad na tanggapin ni Mrs. Arellano. "Don't say that. Magugustuhan ka niya. Maybe not now, but I swear, magugustuhan ka ni Mama kapag nakilala ka niya nang lubusan," wika nito. Dahan-dahan itong lumapit sa gawi ko para mahawakan ang kamay ko. "Look Shiena, tumakas ako kay Mama para lang mapuntahan kita kahit na pinagbabawalan na akong lumabas na mag-isa. That's because I love you. I can do everything for you. So please, magtiwala ka lang. Malalampasan natin ito. As long as, pinaglalaban kita, sana ipaglaban mo rin ako. We promised to each other, right? Sana tuparin mo 'yon," pakiusap ni Travis sa akin. Napatingin ako sa kanyang mata na halatang nagsusumamo para lang hindi ko siya iwan. And as a girlfriend, hinding-hindi ko papakawalan si Travis kahit na sobrang komplikado na ng lahat sa amin. Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan marami ng nangyari sa pagitan naming dalawa. NANATILING tahimik ang loob ng maliit na bahay ko. Walang gustong umimik dahil parehong malayo ang iniisip namin ni Travis. Matapos kasi ang diskusyon kanina, naitanong ko ang tungkol sa babaeng gustong ipakasal sa kanya. And he answered na successful business owner daw ito sa Manila. Sa pagdedescribe niya palang, halatang lamang na lamang ito kumpara sa akin. Parang nagsisi tuloy ako na tinanong 'yon. "Siguro ang ganda niya. Sana katulad niya rin ako. May pinag-aralan at madiskarte," malungkot na wika ko. Napakuha ako ng beer sa ref para sana uminom ng alak. Kaso inagaw ito ni Travis dahilan para mainis ako. "Akin na 'yan. Bigay mo na ulit sa akin 'yan," saad ko habang pilit na kinukuha sa kanya ang beer. "Hindi kita ma-gets Shiena. Kinulit mo ako nang kinulit para lang malaman mo ang tungkol sa babaeng ipapakasal sa akin. Tapos ngayon na sinagot ko ang tanong mo, you're acting like that. At hindi makakatulong sa atin ang alak," kalmadong sabi niya na tila pinipigilan ang pagka-asar. "Edi sorry. Sorry kung makulit ako," singhal ko habang nakayuko. "Damn Shiena. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sayo o macucutan sa inaakto mo. Hayss. Pasalamat ka, mahal na mahal kita," wika niya at nilapag muli ang beer. That's the time na nagkaroon ako ng chance na makuha ang beer. "Bleh! Naisahan! HAHAHAHA," malakas na tawa ko. Tumakbo ako para sa gano'n makalayo ako kay Travis. Pero ang gago, sinundan ako para habulin. "s**t Shiena! Ang kulit mo talagang girlfriend!" sigaw nito. Natatawa na lamang ako habang umiiwas sa kanya. "At least mahal ka!" pasegunda kong sabi at kumindat pa sa kanya. Nagawa ko na ring lumaklak ng beer para inisin lalo ang binata. "Hays. Nagawa mo pa talagang bumanat ha?" usal niya na hindi mo alam kung kinikilig ba o napipikon. "Love, gusto ko lang naman uminom. Kasi nasasaktan ako kahit wala naman akong dapat na ikaselos," turan ko para ibuhos ang hinanakit ko. I don't understand myself. Kahit na pinaliwanag na ni Travis ang tungkol sa arrange marriage, ganito pa rin ang nararamdaman ko. Ang bigat-bigat pa din kaya idadaan ko na lamang ito sa alak baka sakaling maibsan ang lungkot sa puso ko. "I already told you na hindi ako magpapakasal. Kaya nga ginagalingan ko magpatakbo ng Company para sa gano'n, I can stand without the help of others. Sana magawa mo akong hintayin Shiena," mahabang pahayag niya. "Ayon na nga eh. Maghihintay ako. Pero hanggang kailan ako maghihintay, Travis? Kinakaya ko na maging sekreto ang relasyon natin, pero yung makasal ka sa iba, hindi ko kakayanin 'yon. You know how much I love you, Travis. Pero tao rin ako at nasasaktan. Tao rin ako na nag-ooverthink na baka dumating yung araw na iwan mo ako para sa babaeng 'yon. Kilala mo naman siguro ang mama mo diba? Gagawin niya ang lahat para matuloy ang gusto niya. At alam natin pareho na kapag siya ang nagdesisyon, hindi mo na magagawang komontra pa. Kasi natatakot ka na mawalan ng mana," wika ko sa binata. Halos lahat na yata na gusto kong sabihin ay nailabas ko na. Kaya yung pag-inom ko ng alak ay dire-diretso hanggang sa maubos ang beer. Napatitig naman si Travis na animo'y hindi ito makapag-react sa mga sinabi ko. "Tama nga sila, maling mahalin ang isang tao na hindi mo naman kapantay. Hindi kita kayang pantayan, Travis. Kaya yung relasyon natin, walang pagbabago. At kung magbabago man, siguro baka maging kabit lang ako," pagbibiro ko. Mukhang tinatamaan na yata ako ng kalasingan dahil sa beer kaya kung ano-ano na lang ang pinuputak ng bunganga ko. "Shiena, lasing ka na." "Ako? Lashing? Hindi ako lashing. HAHAHAHA. Mukha ba akong lashing ha? Sa ganda kong 'to? Kahit mahirap ako, hindi ako lashing. Hindi ako lashing. Mahal lang kita--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil biglang dumilim ang paningin ko dahilan para mawalan ako ng malay. NAGISING na lamang ako dahil sa amoy ng itlog na galing sa kusina. Napalinga na rin ako ng tingin at dito ko namalayan na nasa kwarto na pala ako. And I guess, hindi umuwi si Travis. At kung hindi ako magkakamali, baka siya ang nasa kusina na nagluluto. "Travis naman. Kaya hindi ko magawang iwan ka dahil ang dami mong pakulo," mahinang pahayag ko. Bumangon na ako para silipin ang binata. Nasilayan ko ito na naka-sando lang habang may hawak na takip ng kaldero. Tawang-tawa tuloy ako dahil yung suot niya ay mismong sando ko na niregalo niya sa akin. "Love, ang bilis mo naman magising. Hindi pa nga tapos ang niluluto ko, nakatayo ka na agad dyan," saad nito habang kinakamot ang batok. "You look so cute. Bagay pala sayo ang sando na 'yan. Ikaw ha? May tinatago kang ka-sexihan sa katawan," komplimento kong turan. "Hindi ka pa nasanay. Nakita mo na lahat sa akin diba? We already made love." Nakangisi ang bibig nito. "Anong nakita? Hello, naka-lights off kaya tayo," pilyang sagot ko na naging hudyat para umiba ang awra ng mukha ni Travis. "So namimiss mo pala ang ginagawa natin, Love? Hindi mo naman sinabi. Kung alam ko lang na gusto mong mangyari ulit 'yon, edi sana ginawa ko na kanina habang lasing na lasing ka," ani ng binata. "Hoy ha?! Wala akong sinabi na gusto ko. Naalala ko lang naman noh?!" sambit ko at tumalikod na ako para hindi na humaba pa ang usapan. Kilala ko kasi si Travis, wild 'yan kaya dapat hindi ako nag-oopen up ng ganitong usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD