CHAPTER 66 ANDREA's POV: "GINAWA MO BA TALAGA IYON BABY?" tanong ko kay Tyron. Wala akong alam sa ginawa niyang pagbato kay Shiena. Hindi naman ganito ang pagpapasunod ko sa kanya. Ang gusto ko ay kamuhian niya ang babae. Pero mas malala pa pala ang kanyang nagawa. But of course, hinding-hindi ako magagalit sa kanya. Dapat nga ay matuwa ako dahil lahat nang gusto kong mangyari ay unti-unting nagkakatotoo. Sinusunod nga ni Tyron ang mga sinasabi ko. "Opo mommy. Binato ko po siya kasi nakita ko po siya doon sa may manggahan po. Kaya naisip ko na gantihan siya para sa'yo... Galit ka po ba sa akin mommy? Papagalitan mo rin po ba ako katulad ni daddy?" bigkas nito na tila natatakot sa magiging reaksyon ko. Ngumiti naman ako sa kanya at hinaplos ko pa ang bata. "Baby, hindi kita papaga

