CHAPTER 65 TRAVIS POV: "SALAMAT DADDY! Ang sarap-sarap po ng niluto niyong adobo at gulay na repolyo!" malambing na saad ni Tyron. Hinahawakan niya ngayon ang kanyang tiyan matapos niyang maubos ang kanyang kinakain. Nang magising siya ay sabay-sabay kaming kumain na tatlo nila Andrea. Talagang pinanghawakan ko na ang pagiging tatay sa kanya ng isang buwan. Alam ko naman kasi na mabilis lang na lumipas ang araw. Kaya pagtya-tiyagaan ko na lamang na hintaying matapos ito. "Nabusog ka ba Tyron?" tanong ko sa kanya. "Opo daddy. Busog na busog po ako. Sana paglutuan niyo ulit kami ni Mommy," nakangiting sambit niya habang nakatingin kay Andrea. Naalala ko tuloy ang ginawa niya kay Shiena. Kaya naman ito na siguro ang tamang oras para komprontahin ko si Andrea para sa gano'n ay hindi na

