CHAPTER 49 SHIENA's POV: NAKATULOG AKO... Nakatulog ako sa kubo na kasama si Travis. Buhat na rin siguro ng pagod ko at ng lamig ng panahon ay hindi ko namalayan na dinalaw ako ng antok. Halos bangayan lang kasi ang nangibabaw kanina sa kubo at ako na itong kusang sumuko at nanahimik na lamang. Kapag kasi pinagpatuloy ko na pansinin si Travis ay talagang tuloy-tuloy lang ang lalaki sa pang-aasar. Lakas pa naman ng trip ni Travis kaya ako na lang ito na nag-adjust. Ayoko na rin namang tumagal ang usapan namin dahil baka bumigay lang ako sa mga mabulaklak niyang salita. Alam pa naman ni Travis kung paano niya ako kunin. Alam niya kung ano ang kahinaan ko. At ayon ang gusto kong iwasan. Iiwasan kong makipag-usap sa kanya nang matagal para walang dahilan upang magkaroon ako ng oras sa kan

