OSCAR #39 (1) "Tita, saan po tayo pupunta?" tanong ni Ethan sa kanyang tiyahin. Namumugto parin ang kanyang mga mata sa walang habas na pag iyak. Tinanggap na niya na kailangan niyang iwan ang kanyang mahal na tiyuhin para narin sa kapakanan nito pero hindi parin kayang pawiin ng pagtanggap na iyon ang kaakibat na sakit. Bitbit niya ang dalawang napakalaking bag na laman ang kanyang mga damit maging ang sa kanyang tita Alelie. Medyo nahihirapan siya sa bigat pero hindi na siya nagreklamo at hindi narin siya nagpatulong sa buntis na tiyahin. "Huwag ka na ngang maraming tanong, Ethan. Naiinis ako sa boses mo." iritable nitong ani at tinalikuran siya at nagpati-unang maglakad. Napa buntong hininga na lamang siya at sumunod. Nasa terminal sila ng mga bus. Titingnan na lamang niya mamay

