OSCAR #39 (2) "Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" galit na ani ng lalaki na nabunggo ni Oscar. Parang wala talaga siya sa sarili mula nang tumungo sa tinitirhan ni Alelie at makitang tuluyan na nitong tinangay palayo sa kanya ang pamangkin. "Bakit, may problema ka ba?" galit niya ring tanong. Wala siya sa huwisyo na makipagtalo pero kung naghahanap ito ng away ay hindi niya ito uurungan. Puta. Mas gusto niya iyon upang mailabas niya ang nararamdamang galit. "Aba! Putang ina mo rin, ano? Ikaw na nga may kasalan ikaw pa ang matapang—" hindi na niya ito pinatapos pa. Inundayan na niya ito ng suntok. Halos matumba ito pero hinawakan niya ito sa kwelyo at muling sinuntok. "Putang ina mo rin! Gago!" mura niya habang pinapa ulanan ito ng suntok. Wala na siya sa katinuan. Gusto na lamang n

