OSCAR #40 "Bawat sandali talaga na nakikita ko ang mukha mo, Ethan ay naalala ko si Oscar. Kaya sarap na sarap akong bugbugin ka." ani Matteo at muli na naman siyang patalikod ang kamay na sinampal. Nagpanting ang kanyang tenga. Nagsasalita pa ang hudas pero hindi niya ito marinig. Para siyang nabingi sa lakas ng sampal nito at wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang umiyak na lamang. Sinubukan niyang lumaban noon pero hindi naging maganda ang kinalabasan niyon. Nauwi pa nga iyon sa kanyang pagkaka-ospital. Gusto niyang magsumbong sa mga nurse at doktor na gumamot sa kanya pero napangunahan siya ng takot. Umiyak na lamang siya sa sakit na nararamdaman. Doon naman siya magaling at iyon lang naman ang kaya niyang gawin. Hindi niya nga alam kung may araw ba sa anim na buwan niyang panin

