Chapter 9: Naiilang

808 Words
“Sabihin mo nga, gaano ka na katagal nagtatrabaho sa kumpanya?” tanong ko kay Jeda habang naglalakad kami pabalik. Nabili ko na ang kape at diretso na kaming bumalik sa opisina. “Hmm… tatlong taon na,” sagot niya. Tumango ako. Matagal na rin ang tatlong taon. Pagdating namin malapit sa gusali ng kumpanya, napansin ko ang apat na mamahaling sasakyan na nakaparada sa labas. Halos sabay-sabay na bumaba mula roon ang apat na lalaki. They looked like seriously rich. From their clothes to the way they carried themselves, everything screamed money and power. “Sino sila?” mahina kong tanong. Napabuntong-hininga si Jeda. “Mga kaibigan sila ng boss. I’m sure they’re here to visit him.” Biglang sumikip ang dibdib ko. Noong college pa kami, hindi kailanman ipinakilala sa akin ni Zayn ang mga kaibigan niya. Nagseselos siya kapag may nakikitang lalaking malapit sa akin. Hindi ko man lang nakilala ang mga taong parte ng mundo niya. Ngayon, narito sila. Nilunok ko ang kaba habang nakatayo sa harap ng opisina niya. Makalipas ang ilang segundo, kumatok ako. “Come in,” narinig kong sabi ng paos niyang boses. Malakas ang t***k ng puso ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. Pagkapasok ko, agad na sumalubong sa akin ang titig ng apat na lalaking kaibigan ni Zayn. “H-hi… I brought the coffee,” kinakabahan kong sabi. I carefully placed the cups on the table, trying not to embarrass myself. Ramdam ko ang mga mata ni Zayn sa akin, at nang sumulyap ako sa kanya, nakangisi pa ang loko nparang natutuwa sa pagkailang ko. “Bagong secretary mo?” tanong ng isa habang diretsong nakatitig sa akin. Hindi ito pinansin ni Zayn. “I don’t know why you’re all here, but I have a really busy schedule today,” malamig na sabi ni Zayn. Hindi na ako naghintay pa. Agad akong lumabas ng opisina. ✽✽ ꧁ °°•✽•°°꧂ ✽ ✽ “Come on, Zayn. We haven’t seen you for months, so we decided to visit. But it seems like we’re not welcome,” nakangusong sabi ni Gale. Sinamaan ko siya ng tingin. Of course they would show up unannounced. That’s just how they are. Tinignan ko ang pinto kung saan kalalabas lang ni Sera. Hindi ko pinalampas ang paraan ng pagtitig nila sa kanya. Umigting ang panga ko. We were cut from the same cloth, dangerous aura, unshakable confidence, and that wicked smirk people either admired or feared. Gano'n namin binuo ang pangalan namin. Pero ang paraan ng pagtingin nila kay Sera? Hindi ko nagustuhan. “Get your eyes off her,” I said, my voice low and edged with warning. Matalim na titig ang binabato ko sa kanila habang isa-isa silang tinitignan. “Whoa, chill ka lang, bro,” Enzo said, raising his hands slightly in mock surrender. Sandaling natahimik ang silid, pero nakikita ko na ang kuryosidad sa mga mata nila. Masyadong mapanuri. “Wait… parang may naaalala ako,” biglang sabi ni Syane. “Isn’t that the girl whose picture was plastered all over your room?” Damn it! Nanigas ang mga balikat ko. Ang mga alaala na pilit kong ibinaon ay muling umangat sa ibabaw.There was a short pause before Gale suddenly yelled. “Oh my freaking goodness. She’s your ex?!” I exhaled sharply and rolled my eyes, trying to appear unaffected. Tinitigan nila ako na parang may nabunyag silang malaking sikreto. “Oh man… she’s damn pretty,” dagdag ni Gale, sabay iling. Kumuyom ang mga kamao ko sa ibabaw ng mesa. Of course she was pretty. She always had been. More than that. Pero hindi nila pwedeng pag-usapan si Sera nang gano'n. Hindi nila pwedeng tignan siya nang gano'n. Ang hindi nila alam. Hindi lang basta ex si Sera. She was the only woman I had ever allowed into my world. At ngayon, ang nakaraan na pilit kong ikinulong ay nasa labas lang ng opisina ko. And still affecting me more than I wanted to admit. “You know what, guys? Leave now. I have a business date soon, and I need to prepare for it,” I said, straightening my cufflinks as I looked at them. “Sige na nga, aalis na kami. But anyway, I was thinking we could hang out someday, right, Damon?” nagtaas baba ang kilay ni Gale. Hindi ito sumagot. Tinignan lang niya si Gale. “Always the arrogant one,” Syane muttered. “Naririnig ko kayo,” si Damon. Umismid si Enzo. “Nakikinig ka pala. Akala namin nasa ibang planet kana.” “Tss…” Damon shot him a look. Enzo ignored it. “Sumama ka na, Zayn..” I sighed, turning to stare at him. Ang hirap tumanggi dahil mapilit sila. “Okay, fine,” I finally said. Their faces lit up with smiles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD