UPANG MALIBANG habang nagluluto, binuksan ni Cadence ang kaniyang cellphone at hinayaang tumugtog ang mga kantang na roon. Paminsan-minsan pa siyang kumakanta habang naghihiwa ng mga rekados. Naisipan niya na magluto na lang ng adobong manok dahil madali lang ang pagluluto at iyon ang mayroon sa kusina ni Aga. Pati ang bigas ay nagsalang na rin siya para pagkaluto ng ulam mamaya, may kanin na sila. Magdamag sila sa ospital kanina at ngayon, alas siyete na nang umaga. Kaya pala humihikab siya. Ramdam na ni Cadence ang antok. Napasigaw pa siya nang naramdam ang matalim na kutsilyong humiwa sa kaniyang daliri. Agad niyang binitiwan ang hawak na kutsilyo pati at lumapit sa lababo upang hugasan ang dumudugong sugat. Nang tumigil iyon sa pagdurugo, kaagad niyang binalikan ang ginagawa. Ilang

