WALANG TIGIL sa pag-iyak sk Cadence habang pabalik-balik siya ng lakad sa labas ng emergency room. Kanina ay gusto niyang sumama sa loob ngunit hindi siya pinayagan ng nurse. Nakasara ang pinto noon at wala siyang ideya kung ano ang ginagawa ng mga doktor kay Aga. Nanginginig ang kamay ni Cadence habang panay ang dial niya sa cellphone ng kaniyang ama. Kanina ay sumagot na ito at sinabing on the way na ngunit hindi niya maikalma ang sarili. Nang mamataan ang ama na tumatakbo palapit ay sinalubong niya ito ng yakap. "Daddy, si Aga po. Nabaril." Hinila siya nga ama papunta sa mahabang upuan at umupo sila roon. Tiningnan siya nito. "Tell me what happened? Ikaw, wala ka bang tama? Ayos ka lang ba?" Tumango si Cadence. "I am okay, dad pero si Aga..." Muli na naman siyang napaiyak. "Shh...

