TUMIGIL ANG SASAKYAN nila sa isang five storey building kung saan kahit sa labas tingnan ay halatang moderno na ang pagkakagawa. Gawa sa salamin ang pader pero dahil sa blinder, hindi matatanaw ang kung anong nasa loob. Pinagbuksan ng pinto ni Aga si Cadence na halos nakanganga dahil sa labis na pagkamangha. Hinangin pa ang buhok niya at kaagad iyong hinawi. "Ang ganda naman ng lugar na ito. Pero bakit parang nasa gitna tayo ng kagubatan?" Kunot ang noo niyang tanong dahil kanina papunta sila rito ay napansin niyang liblib ang lugar na ito. Maraming puno at may mga bundok pang siyang natatanaw. Ito lang din ang tanging building dito at wala kahit na ano pang nakatayo sa paligid. May bakod na mataas ito sa pinakataas na parte, may kable ng kuryente kung saan may sign na active ang kurye

