LUMIPAS ANG DALAWANG araw, hindi nakitang muli ni Cadence si Aga mula nang gabi na yakapin sya nito sa kanyang kwarto. Wala man lang itong paalam. Hindi ito nagsabi at sa tuwing magtatanong sya sa magulanga nya, wala ring maisagot ang mga ito. Bumabangon ang pag-aalala nya para sa binata kahit na pigilan nya ang sarili. Alam naman nya na wala syang karapatan na makaramdam ng ganoon pero hindi nya kasi maiwasan. Dala ang aklat at cellphone, bumaba si Cadence sa sala. Namataan nya ang ina na nakaupo roon ng tahimik at animo may malalim na iniisip. Nilapitan nya ito. "Mommy, anong ginagawa mo rito mag-isa?" Tila nagulat naman ito sa kanyang presensya. "Ikaw pala, anak. May iniisip lang ako. Ikaw, saan ang punta mo?" Tumingin ito sa hawak nya. "Magbabasa lang po ako sa garden nitong libr

