HABANG NASA HAPAGKAINAN, hindi nakatakas sa mga mata ni Cadence ang mga tingin ng dalawang pinsan nya na halatang nanunukso. Pilit kasing tinatanong ng mga ito kung ano ang totoong estado ng relasyon nila ni Aga at sa tuwing sasabihin nyang hindi sila ng binata, hindi naman naniniwala ang mga ito. Lalo syang inasar ng mga ito nang dumating sa kusina si Aga. Gaya ng normal na ekspresyon nito, wala itong kangiti-ngiti sa mukha. "Aga, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin," aya ng Daddy nya rito. Tiningnan sya ni Aga tila hinihintay ang pagpayag nya. Ngumiti sya ng tipid dito. "Hindi pa, sir. Galing kasi ako sa bayan kanina." "Tamang-tama. Maupo ka na muna rito at nang makakain ka bago ka umuwi sa bahay mo," anito daddy nya. Nagkasalubong ang mga tingin nila pero agad din syang nag-iw

