HINDI MUNA AGAD bumangon sa kama si Cadence at nanatiling nakatitig lang ang mga mata sa kisame. Kanina pa nya iniisip ang binatang si Aga. Nagtataka pa rin sya kung bakit kailangan nya ng bodyguard. Ganoon ba kaseryoso ang bagay pagdating sa yaman na iniwan ng kanyang abuela? Tumunog ang kanyang cellphone na nakaibabaw sa nightstand. Nang makitang si Aga ang caller, agad syang napaupo at sinagot ang sinagot. "Hello?" "Gising ka na pala. Padadalhan kita ng almusal dyan." "Bababa na lang ako—" "Bakit?" "E, gusto ko makasabay kumain sila mommy," aniya rito. Bagay na totoo naman. "Kumain na sila ng daddy mo. Ikaw na lang ang hindi pa kumakain. Alas-diyes na." "Sige," aniya saka pinatay ang tawag. Muli syang nahiga at pinikit ang mga mata. Hindi nya malaman kung bakit tila pakiramdam

