KINAKABAHAN SI CADENCE habang nasa sala sila. Nandoon ang kanyang mga magulang at ganoon na rin ang mag-inang Merceditas at Azariah. Nandoon din ang mag-aamang Eliseo, Apollo at Aliona. Lahat sila ay tahimik habang hinihintay ang parating na abogado. Si Aga ay nasa entrada na syang sasalubong sa kaibigan nitong abogado. "Mommy," tawag nya sa ina na tahimik lang na nakayuko. Ang daddy nya ay nasa kabilang gilid nya at may kausap sa cellphone. Naramdaman ni Cadence ang mahigpit na yakap ng ina sa kanyang kamay. "Relax ka lang, anak." Ngumiti pa ito nang matamis. "Kinakabahan po ako." Iyon ang totoo nyang nararamdaman at kahit na anong pagpapakalma sa sarili, mukhang hindi naman nya nagagawa at alam nyang halata iyon sa mukha. Hinawakan ng mommy nya ang kanyang kanang pisngi. "Nandito k

