KANINA PA NATATAKAM si Cadence na kainin ang dalang cake ni Aga. Hindi nya akalain na mag-aakyat ito ng pagkain sa kanyang kwarto. Nakakaramdam na siya ng gutom pero nahihiya na maunang kumuha ng pagkain. Nag-iwas siya ng tingin nang makitang nasa kanya ang atensyon ni Aga. "Ayaw mo ba?" Parang gulat na tanong pa nito. "G-gusto," sagot niya pero hindi pa rin kumikilos. Kinuha ni Aga ang tinidor at nag-slice ng cake. Nilapit nito sa kanya iyon. "A-ano iyan?" "Cake." Seryoso lang ang mukha nito pero ramdam niya ang pagiging pilosopo. Inirapan ito ni Cadence. "Alam ko. Akin na nga!" Kinuha niya ang tinidor at kinain ang pagkain. Hindi na siya nakakibo at tahimik na lang na kumain. "Anong iniisip mo? May gumugulo ba sa isip mo?" Natigilan siya sa pagnguya. Tiningnan niya si Aga na b

