NAGING MAAYOS NA ANG relasyon nina Cadence at Aga nang makapag-usap sila nang gabing iyon. Nag-usap din sila na kung may dapat bang gawin na desisyon, kailangan na pag-usapan nilang dalawa iyon upang marinig ang boses ng bawat isa. Masaya siya dahil okay na sila ulit ni Aga. Sobrang na-miss niya ng boyfriend niyang gwapo at mabango. Napangiti siya nang makitang nakahubad-baro ito habang inaayos ang mga halaman ng kaniyang mommy. Naaalala ni Cadence ang unang pagkikita nilang dalawa noong gabing nakaburol ang kaniyang abuela. Napalunok siya at ramdam niyang pinamulahan siya ng mukha nang makita ang sexy at magandang hubog ng katawan ni Aga. Ang mga abs nito na halos mangintab dahil sa pawis na tinatamaan ng sinag ng araw. Muntik na niya mabitiwan ang dalang tray nang magulat siya dahil

