WALANG GANA si Cadence nang gumising araw ng Biyernes. Ilang araw na ang lumipas buhat nang magkausap sila ni Aga sa cellphone. Hindi na siya nangulit pa rito na umuwi dahil alam niyang hindi naman nito iyon gagawin. Magkasalubong din ang mga kilay niya nang bumaba siya sa sala. Namataan niya ang daddy niya na may kausap sa may sala kaya bahagya siyang natigilan. Lumakas ang t***k ng kaniyang puso nang marinig ang pamliyar na boses na sobrang na-mimiss na niya. Nahinto siya sa paghakbang nang makitang si Aga nga iyon. Bagaman at nakaupo ito patalikod sa kaniya ay sigurado siyang ito ang kaniyang kasintahan. Napahinto naman sa pagsasalita ang kaniyang daddy nang makikta siya at tumingin naman din agad kay Aga. Ilang sandali pa ay nilingon siya nito at tumayo. Hinarap siya nito. Ngayon niy

