BINABA NI AZARIAH ang cellphone nang matapos ang tawag ni Cadence. Sa totoo lang ay naiinis na siya rito. Naiinis at naaawa siya rito ngunit wala naman siyang magawa. Ayaw niyang makialam sa kung ano mang pinagdaraanan nito sa boyfriend nitong si Aga. Mas naaawa kasi siya kay Aga. Naiintindihan niya kung bakit ito ngayon nagtatampo ngayon sa pinsan niya. Well, hindi naman siya sigurado kung iyon nga ang gusto ni Aga. Gusto lang niya gumaan kahit paano ang puso ni Cadence at para naman ito na mismo ang gumawa ng hakbang para mag-sorry sa nobyo. "Hindi ka ba mag-didinner?" tanong ni Aliona na nakasilip ngayon sa pinto ng kaniyang silid. Kanina pa siya nakahilata sa kama niya. Pagkarating nila ay kaagad na siyang dumiretso sa sariling silid. Hindi na siya nag-abala pa na puntahan ang kaniy

