CHAPTER 53 HABANG PAUWI ang dalawa pa-Bulacan ay hindi maipaliwanag ni Cadence ang nararamdaman. Tila may kakaiba ang nararamdan niyang kaba ngayon. Hindi siya mapakali sa inuupuan at napansin naman iyon ni Aga. Mukhang kanina pa siya nito nahahalata. Hinawakan ni Aga ang kaniyang kamay kaya napalingon siya sa kasintahan. “Ayos ka lang ba? Kanina ka pa hindi mapakali diyan.” Pinilit niyang ngumiti rito kahit pa hindi man lang nababawasan ang kakaibang pakiramdam. “M-medyo kinakabahan ako na hindi ko mawari. Kinakabahan ako pero hindi ko naman alam kung bakit,” aniya sabay hawak sa bandang dibdib niya na animo pinakikiramdaman niya ang bawat pagtibok niyon. Sasagot pa sana si Aga nang biglang tumunog ang cellphone nito. Naka-connect iyon sa Bluetooth in-ear nito kaya naman ligtas sila k

