NAKASIMANGOT SI Cadence nang bumaba siya sa sala. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang inaayos ang sarili pagkaupo sa sofa. Maaga siyang nagising para mag-jogging ngunit nag-text ang isang kaklase niya na may kailangan silang ipasa na requirements. Hindi naman niya iyon ka-close pero kung makapagsabi na kailangan na siya roon bago mag-alas otso, naiirita siya dahil pakiramdam niya ay nape-pressure ang isip niya. Ang alam niya ay wala siyang schedule ngayon dahil nilinaw naman ng kanilang professor na sa Wednesday na ang balik nila sa university at hindi na ngayong araw ng Lunes. Ang isa pa niyang kinaiinis ay hindi nag-rereply sa kaniya si Aga. Nag-text n alang siya rito na kailangan niyang pumunta sa university at magpapasama na lang siya kay Kuya Manny. “Anak, aalis ka?” taking

